PAGKARAAN ng dalawang dikit na talo, nagbabalik sa limelight ang kamao ni Miguel Cotto na may bagsik. Nung linggo ay tinalo niya si Delvin Rodriguez sa loob lang ng tatlong rounds.
Sa naging panalo ni Cotto, kikilalanin siya sa kaniyang bansa bilang kauna-unang Puerto Rican na nakapag-uwi ng apat na titulo sa apat na divisions.
Naging madali para kay Cotto na gibain si Rodriguez sa harap ng near-capacity crowd sa Amway Center na sumaksi sa pagbabalik ng Puerto Rican boxer. Kinailangan lang niya ng 18 segundo sa 3rd round para tapusin si Rodriguez.
“It was a great punch,” pahayag ni Cotto sa kanyang kamao na umalog sa ulo ng kalaban. “I felt the power right through my arm.”
Sa kabuuan ng bakbakan ay bumato ng 68 suntok si Rodriguez na 16 lang ang tumama, samantalang nakapagtala ng 110 na suntok si Cotto at tumama ang 55 na kasama roon ang 47 power punches na naitala ng Compubox statistics.
“Anyone who lays against the ropes against the Cotto is a dead fighter,” sabi ni Freddie Roach, trainer ni Cotto’s. “We knew we had to go to the body to wear him down. I knew Cotto would finish him off.”
Nag-imprub ngayon ang karta ni Cotto sa 38 wins at 4 loses, na may 31 KOs.
Pinag-uusapan na ngayon na posibleng si Canelo Alvarez ang makaharap ni Cotto sa susunod nitong laban. Pero kung hindi maikakasa ang nasabing bakbakan, posibleng si WBC middleweight champion Sergio Martinez ang makaharap ng Puerto Rican.
“To be the first Puerto Rican to win titles in four weight divisions would be very tempting to me,” pahayag ni Cotto. “I don’t know. I have to go talk to my team.”