Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No shoot-to-kill order vs Misuari

HINDI pabor ang Malacañang sa shoot-to-kill order laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) leader Nur Misuari, kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad kaugnay sa paglusob sa Zamboanga City.

“We do not certainly abide by the shoot on sight or ‘yung shoot-to-kill order. So I will leave the rest [of the plans] to the [Philippine National Police] on the ground,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kahapon.

Gayonman, kinompirma niyang mahigpit nang binabantayan ng mga tropa ng militar ang exit routes na maaaring daanan ni Misuari sa kanyang pagtakas palabas ng bansa.

“Kasama, siyempre, sa kanilang paghahanda at sa kanilang pagpaplano ‘yung pag-iisip no’ng mga posibleng maging susunod na hakbang kaya ina-anticipate po din nila ‘yung ganitong mga bagay,” aniya.

Nang itanong kung humingi na ang gobyerno ng tulong sa Malaysia sakaling doon tumakas si Misuari, sinabi ni Valte na hindi pa ito tinatalakay at nakatuon pa ang mga awtoridad sa local front.

Inianunsyo ng Palasyo nitong nakaraang linggo na tapos na ang krisis sa Zamboanga bagama’t patuloy ang clearing operations ng mga awtoridad. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …