Sunday , December 22 2024

Lacson for president!

Mukhang si dating senador Ping Lacson lamang ang masasabi nating matino sa lahat ng politiko sa bansa.

Ito ang nakikita ngayon ng publiko dahil na-ging consistent si Lacson sa hindi niya pagkuha ng pork maging ito man ay PDAP o DAp.

Iba kasi ang paniniwala ng dating senador sa pork barrel kaya’t never niya ginalaw ang kanyang PDAP magmula nang siya’y maluklok bilang miyembro ng lehislatura o kongreso.

Maging sa panahon ng impeachment ni da-ting chief justice Renato Corona ay hindi natinag si Lacson sa kabila ng magandang offer ng Malakanyang na minamanduhan ni PNoy.

Kung bumoto man si Ping para sa impeachment ni Corona ay hindi dahil sa suhol ng Palasyo sa anyo ng PDAP o DAP kaya’t dito lalong napatunayan ng publiko na kakaibang nilalang si Lacson.

Dito rin umangat ang mambabatas na taga-Cavite sa pananaw ng madla dahil dito nakita ang kanyang paninindigan at prinsipyo lalo na sa usapin ng pangangalaga ng pera ng sambayanan.

Maging si da-ting senador Joker Arroyo na anti PDAP rin ay bumigay din sa tukso at ito ay malinaw sa pahayag ni DBM boss Butch Abad matapos niyang isiwalat na nakinabang rin ang dating mambabatas mula sa Makati sa pork barrel.

Nagkakaso man si Mang Ping ay hindi dahil sa pera o salapi dahil malinaw naman na ang kanyang mga kaso ay may kaugnayan sa pagpapatino ng estado.

Dahil sa hindi pagtanggap ni Ping ng pork barrel ay lalong luminaw sa taong bayan na kakaiba si Ping sa lahat ng pplitiko sa bansa kaya’t lumabas na naman ang anggulo na Ping Lacson for president.

Hindi ito palutang na istorya dahil marami sa mga sektor ng ating lipunan ang nagtutulak muli kay Ping sa pampanguluhang halalan sa 2016 dahil hindi trapo si Lacson dahil wala siyang sinisino maging kanyang kaibigan o kapartido basta’t mali ay mali dahil ito ang kanyang prinsipyo.

Medyo mabigat ang tatahaking landas ni Ping pero sa itinatakbong ito ng mga pangyayari ay malinaw naman na hindi na maniniwala ang tao sa mga trapo at politiko dahil nakita na ang kasakiman nila.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *