Sunday , November 17 2024

‘Hit list’ vs. smugglers para kay bagong BOC-IEG chief Gen. Dellosa

“HABULIN ang smugglers!” Ito raw ang marching orders ni Commissioner Ruffy Biazon kay retired Gen. Jessie Dellosa, ang bagong deputy commissioner at hepe ng Intelligence and Enforcement Group (IEG) ng Bureau of Customs (BoC).

Bilang dating pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP), marami ang umaasa na siya ang magtutuwid sa daang baluktot na tinahak ni renegade soldier at retired Gen. Danilo Lim na kanyang pinalitan sa IEG.

Ngayon natin masusubok kung epektibong magagamit ni Dellosa sa Customs ang kanyang malaking karanasan sa “organized at psychological warfare” bilang isang mahusay na ka-wal at produkto ng Philippine Military Academy (PMA) laban sa mga pesteng smuggler at economic saboteurs na nasa likod ng talamak na smuggling sa bansa.

Pangunahin sa dapat gawin ni Dellosa ay gumawa ng “HIT LIST” o listahan ng mga kilabot na smuggler upang lumpuhin at sawatain ang talamak at walang takot nilang smuggling operations.

ANG GRUPO NI DAVID ‘BATA’ TAN

SA RICE SMUGGLING AT CARTEL

SAKALING hindi alam ni Dellosa, ang number one at tinaguriang HARI ng RICE SMUGGLING at CARTEL na si DAVID ‘BATA’ TAN ang nasa likod ng isang miyembro ng PMA Class ’87 at nagtangkang sumulot sa kanyang puwesto nga-yon sa IEG.

Malamang na gamitin na koneksiyon ni Da-vid ‘Bata’ Tan para impluwensiyahan si Dellosa na maipagpatuloy ang kanilang rice smuggling sa buong bansa na protektado ng isang nagbabanal-banalang senador na tatakbong president sa 2016.

Ang ‘mistah’ ni Dellosa na nagtangkang sumulot sa kanyang puwesto ay dating opisyal sa Office of Civil Defense (OCD) at appointee ni GMA sa Food Terminal Incorporated (FTI).

Sinipa siya sa OCD kaugnay ng malaking anomalya sa overpricing ng silbato at flashlight na ating isisiwalat sa mga susunod nating ko-lum.

Panahon na para putulin ang mahabang su-ngay ni David ‘Bata’ Tan at ng kanyang grupo na sinasabing protektado rin ng isang presidential kin.

KENNETH-ROMMEL TANDEM

SA LUXURY CAR SMUGGLING

KUNG imported at highend luxury vehicles ang pag-uusapan, ipalambat mo si “KENNETH NAKAW-SON” na matagal nang operator at naghahari-harian sa larangan ng car smuggling sa Customs at ang kanyang tirador na broker (kuno), na walang iba kundi si ROMMEL DE GUZMAN.

Malawak at malalim ang car smuggling ni Kenneth dahil ipinagmamalaki raw ng damuho na hindi lamang sa Customs timbrado ang kanyang operation, kundi pati sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Transportation Office (LTO), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Si Kenneth ay anak ng isang dating opisyal sa BIR kung kaya’t nakatutulong sa kanyang koneksiyon at paggamit ng mga palsipikado o pekeng income tax return (ITR).

Sila ang nasa likod ng malaking pandurugas sa buwis. Katunayan, ang kada unit ng Mercedes Benz SLS ay P1.3-M lamang ang kanilang ibinabayad, imbes na P4.8-M kung kaya’t malaki ang nalulugi sa pamahalaan.

Ang kada unit ng Porsche Panamera ay ibi-nabayad lamang nila ng halagang P1.4-M, habang ang PGA Cars na pag-aari ng pamilya ng bilyonaryong si Robert Coyiuto, Jr., ay P3-M ang ibinabayad na buwis sa Customs.

Bawat unit naman ng Porche Cayene ay P1.5-M lamang, imbes na P3-M ang halaga ng buwis na dapat nilang bayaran sa pamahalaan.

Malalaman ni Dellosa ang katotohanan kung paano nakapagpapalusot ang dalawang hindot na sina Kenneth at Rommel de Guzman – gamit nila ang mga kompanyang AMETHYST at SEVEN SHORES TRADING – sa tanggapan ng Post Entry Audit Group (PEAG) ng Customs.

Dati nilang ginagamit sa car smuggling ang LUCKYSEA TRADING, isang pekeng kompanya na natuklasang wala naman palang opisina sa Femii Bldg., pero mukhang ‘nasunog’ na ito sa tanggapan ng Interim Customs Accreditation Registration Unit (ICARE).

Kabilang din sa mga palusot nilang sasak-yan ay shipment ng mga nakaw na Mercedes Benz mula sa Korea na pawang hulugan at inutang lamang sa ilalim ng financing system sa mga banko roon.

Isang araw, hindi malayong kumatok din ang smuggler cum bugaw na si Kenneth sa pintuan ng opisina ni Dellosa, ‘di lamang para mag-alok ng suhol na pera, kundi magbugaw pa ng mga batam-bata at magagandang babae na nakagawian na niyang ipakasta sa ilang mataas na opisyal ng Customs at iba pang ahensiya ng gobyerno. (Tama ba, TORIANO?)

REPORMA SA CUSTOMS, HINDI

DAPAT PAKIALAMAN NG KORTE

PAANO matutuldukan ang talamak na katiwalian sa Bureau of Customs (BOC) kung pini-pigilan ito ng hukuman?

Ito ang naging obserbasyon natin nang palawigin pa ni Manila City Regional Trial Court (RTC) Branch 17 Judge Felicitas Laron-Caca-nindin sa 17 araw ang temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa implementasyon ng pagtatalaga sa lahat ng Customs district collector sa bagong tatag na Customs Policy Research Office  (CPRO), alinsunod sa Executive Order 140 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nauna nang naglabas ng 72-oras na TRO si RTC Branch 22 Executive Judge Marino dela Cruz noong Oktubre 1 bunsod ng hirit ng 14 Customs district collectors na ipatigil ang pagtalaga sa kanila sa CPRO, na nasa direktang pa-ngangasiwa ng Department of Finance (DoF).

Hindi kaya maituturing na pagsaklaw ng hudikatura ang paglalabas ng TRO sa kapangyarihan ng sangay ng Ehekutibo na magpatupad ng pagbalasa sa mga ahensiya ng pamahalaan para maipatupad ang mga kinakailangang reporma sa burukrasya, lalo na’t ang district collectors ay presidential appointees naman?

Wala naman tayong nabalitaan na naam-yendahan na ang Presidential Decree No. 1 na nagbibigay ng awtoridad sa Pangulo ng Filipinas na magpatupad ng reorganisasyon o ri-godon sa pamahalaan.

Kailan kaya nabili ng mga district collector ang titulo sa kanilang puwesto at ayaw nila itong iwanan?

Nakatira kaya sa ibang planeta ang mga hukom at hindi nila alam na ang mga makikinabang sa inilabas nilang TRO ay mga eksperto na sa kawalanghiyaan sa Customs?

Bakit kaya ilang beses nang dumadapo sa sala ni Dela Cruz ang mga reklamo ng mga taga-Customs, partikular kapag ang nagsampa ay ang alaga ni Sen. Juan Ponce-Enrile na si Port of Manila District Collector Rogel Gatchalian?

‘KATAPAT’ SA DWBL

PAKINGGAN ang mga umuusok na balitaktakan sa mga napapanahong issue at pagbubulgar sa mga katiwalian sa programang KATAPAT na napapakinggan sa Radio DWBL (1242 Khz.), 11:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi, Lunes hanggang Biyernes.

***

(Para sa anomang sumbong at reaksiyon, tumawag lamang sa 09174842180, o lumiham sa [email protected])

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *