Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, Na-inluv kay Gretchen

Isa pang rebelasyon ni Coco ay muntik na siyang ma-in-love kay Gretchen Barretto. Ito raw ang special guest ng Juan Dela Cruz na memorable.

“Si Ms. Gretchen. Sabi ko nga… para akong na-in love yata. Ha!Ha!ha! Kasi napakaganda at saka napakabait niya. Noong makatrabaho ko siya at patapos na, siguro ‘yun ang last day namin, ayaw ko pang matapos. Deep inside, siyempre lalaki ka, humahanga ka talaga. Na-surprise ako na ganoon siya kabait..pati sa staff at crew.,” sambit niya.

Pagkatapos ng JDC, gusto munang magpahinga ng isang linggo ni Coco sa loob ng bahay niya. Gusto raw niyang makasama ang kanyang pamilya, sabay kumain at maka-bonding. Simple lang siya. Wala siyang balak na mag-abroad at ayaw din niyang sanayin ang pamilya na tumaas ang antas ng lifestyle at i-spoiled. Gusto lang niya ‘yung tipikal.

“Para sa akin, masaya na ako na magkasama-sama kami sa bahay namin. Kaya ko pinilit na makapagpatayo ng bahay para sa amin para roon kami magsama-sama. Mukhang happy naman sila roon pero ako ‘yung kulang. Minsan hindi totally sa magandang lugar o magarbo ‘yung lugar na pupuntahan ninyo, ‘yun lang may time at simpleng bonding sa isa’t isa, kumakain nang sabay-sabay, ‘yun na ang fulfilment  eh! ‘Yung mag-swimming na sabay-sabay, ‘yun na ang kaligayahan para sa akin,”bulalas pa ni Coco.

Isa sa ginawa lang ni Coco ay nagtayo siya ng bahay na parang compound na may kanya-kanyang bahay ang nanay niya, ang tatay niya, ang mga kapatid niya. Sa main house raw ay silang maglola ang magkasama. Dalawang taon na raw itong ginagawa at 90% na raw ang natatapos.

Negosyong naipundar mula sa paggawa ng indie

Nandoon pa rin daw ang naipundar niya sa paggawa ng indie gaya ng tatlong tricycle na inaasikaso ng mga kapatid niya at isang jeep na minamaneho ng father niya mula Blumentritt hanggang Novaliches. Pangarap niyang dumami ito at ‘yung mga apartment naman, gusto niyang ipaayos sa Nova. ‘Yung isa ay limang doors at ‘yung isa ay three doors.

Plano rin niyang gumawa ng negosyo para sa pamilya niya na pagtutulong-tulungan nila para hindi lamang siya ang bread winner. Kumbaga, gusto niya na mangisda sila at hindi lang ibibigay niya ang isda.

MMK, nanguna sa ratings

NOONG nakaraang buwan, September, pinangunahan ng multi-awarded drama anthology na Maalaala Mo Kaya sa national TV rating nitong 34.1% na bahagyang tumaas mula sa 33.7% sa nakaraang buwan base  sa datos ng Kantar Media. Sinundan ito ng Juan Dela Cruz (33.2%), Wansapanataym (32.3%), TV Patrol (29.9%), at Got to Believe (29.6%).

Mataas din ang nakuhang marka ng katatapos pa lamang na Kapamilya Deal or No Deal at The Voice of the Philippines na nakakuha ng 25.9% at 22.5% average national TV ratings para sa buwan ng Setyembre.

Mula naman sa ika-12 puwesto noong Agosto ay umakyat sa ikapito ang patok naAnnaliza sa national TV rating na 24.7%.

Ang iba pang Kapamilya programs na pasok sa top 15 ay ang Rated K (23.4%), Be Careful With My Heart (21.2%), Goin’ Bulilit (20.6%), at  Muling Buksan ang Puso(20.1%).

Bongga!

Hindi ako mangmang sa batas — Gov. ER

SUMUPORTA ang mga movie press sa unity mass para kay Gov. ER Ejercito na dinaluhan ng mga opisyal at taumbayan ng Laguna na ginanap sa Cultural Center of Laguna. Kaugnay ito sa disqualification ng Comelec sa kanya dahil umano sa overspending nito.

“Nakagugulat po at nakalulungkot nang lumabas ang balitang ito, hindi ko pa po natatatanggap ang nasabing desisyon pero kalat na kalat agad ito  sa balita,” sambit niya.

“Ako po ngayon ay 49-anyos at sa Oktubre 5 ay magiging edad 50. Napakaganda yatang pa-birthday sa akin ng 1st Division ng Comelec. Sa ginagawa po nilang ito na nais nila akong patalsikin sa puwestong ito (Governor ng Laguna), sa aking pakiwari’y nais na nila akong patayin bago pa man sumapit ang aking ika-50 kaarawan,” sambit niya sa kanyang speech.

Iginiit pa ni Gov. ER na hindi dumaan sa due process of law ang desisyon kaya napilitan siyang mag-file ng Motion for Reconsideration sa Comelec En Banc at sa lahat ng Commissioners ng COMELEC para itama ang maling desisyon umano ng 1st Division.

“Sang-ayon sa nasabing desisyon ako raw ay aalisin sa puwesto bilang gobernador ng Laguna dahil sa ako ay lumabag sa batas na umano’y overspending. Hindi naman po ako mangmang sa batas, kahit paano ako po ay may sapat na edukasyon at karanasan upang malaman ang mga limitasyon ng batas,” deklara pa niya.

Anyway, pasok na ang kanyang filmfest movie na Boy Golden na ka-partner si KC Concepcion. Ito ay sa direksiyon ni Chito Rono.

Tinanong naming kung may kissing scene at love scene sila ni KC.

“Secret,” sagot niya.

May ganoon?

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …