ANG mga halaman ay ikinokonsiderang great feng shui cure at ang good feng shui ay kinabibilangan ng malago at maberdeng mga halaman sa hardin, gayundin sa loob ng bahay sa specific feng shui areas. Ngunit ang feng shui plants ay very general term.
Halimbawa, ang feng shui lucky bamboo, o feng shui money tree, ay kapwa tinatanggap bilang helpful feng shui cures.
Ngunit ang cactus plant ba ay good feng shui plant?
Ang cactus plants ay mayroong matinik at matalas na enerhiya, kaya sa punto ng feng shui, kadalasang hindi ito inirerekomenda sa loob ng bahay. Gayunman, ginagamit ito bilang banayad na feng shui cure for protection.
Mayroon ba kayong mababa o negatibong enerhiya mula sa kalsada, o mula sa ano mang istruktura na malapit sa inyong bahay? Ang cactus plant sa windowsill o sa gilid ng bahay, ang pinaka-epektibong feng shui cure na magtataboy sa low or attacking energy pabalik sa kung saan ito nagmula. Kaya sa paraang ito, maaaring magamit ang cactus plant.
Mairerekomenda na ilagay ang cactus plant sa erya ng bahay (sa labas) na nangangailangan nang higit na enerhiya o proteksyon.\
Lady Choi