Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang taga-Maynilang si Dondon “Bitay” Lanuza

This poor man called, and the LORD heard him; he saved him out of all his troubles.—Psalm 34:6

NAKAUSAP po natin si Rodelio “Dondon” Lanuza ang OFW na nahatulan ng bitay at nakakulong ng mahigit 13 taon dahil sa pagpatay sa isang arabo sa Saudi Arabia.

Si Dondon ay taga-Sampaloc, Maynila sa lugar ni Barangay Captain Charlie Madrigal ng Brgy 398 Zone 41.

***

NAKALABAS ng piitan si Dondon, makaraang makombinse ng Hari ng Saudi na si Royal Highness King Abdullah bin Abdul Aziz Al   ang pamilya ng napaslang ni Dondon na magbayad na lamang ng blood money sa kanila.

Napakasuwerte ni Dondon,  dahil mula sa nakaambang bitay, nalagpasan niya ito.  At nitong Setyembre 19, tuluyan nang nakauwi ng bansa si Dondon!

Buhay na buhay!

***

PERO alam n’yo ba mga Kabarangay, may isang taong ‘tahimik’ na tumulong sa pamilya ni Dondon upang maalpasan ang pugot ulo sa Saudi?

Ayaw man niya pabanggit, nararapat lamang siguro natin ipagmayabang ang naging papel ni Mayor Alfredo Lim sa buhay ni Dondon.

***

KAMAKAILAN lamang natin nalaman na si Mayor Lim ang gumawa ng paraan upang makarating sa Malacañang at maipaabot sa ating Pangulong Pnoy ang kaso ni Dondon.

Si Mayor Lim ay nagbigay ng oras at panahon upang maligtasan ni Dondon ang parusang kamatayan na inihatol sa kanya ng Saudi Court.

Salamat, Mayor Lim!

***

SINUNDUTAN pa ito ng pag-iingay sa media ng ating katotong si Percy Lapid na halos maubusan ng laway sa pagbubunganga sa kanyang radio program at nangangawit na ang kamay sa pagsusulat sa kanyang mga kolum sa d’yaryo upang maging concern ang publiko sa kaso.

Mismong si Dondon ang nagsabi, kung wala ang pagkalampag sa media ng katotong Percy ay hindi mapapansin ng gobyerno ang kanyang kaso.  Baka natuloy pa ang bitay. Salamat sa mga Filipino may malasakit sa kanyang kapwa Filipino.

Nailigtas natin si Dondon!

TSEEE KA CHE!

SA probisyon ng Local Govrnment Code of 1991 ang sinoman tumakbo sa lokal o nasyonal na elekyon ay pinagbabawalan maupo o maitalaga sa anomang posisyon sa alinman ahensiya ng gobyero.

Maliwanang ang batas ukol dito.

***

PERO ano itong nalaman natin mga Kabarangay, sinasabing pala-ging front sa lahat ng pagkilos ng operasyon ng Deparment of Public Services (DPS) ang ex-Councilor na si Rafael “Che” Borromeo.

Bakit ba hindi maiwan-iwan ni Che ang DPS na dati niyang pinamahalaan noong panahon ni bulaklakin Lito Atienza? Ano merom sa DPS boss Che?

Hindi ka ba makapag move-on sa pagkatalo?!

***

SI Che ay natalo sa nakaraang May 2013 election bilang Konsehal ng 5thDistrict.

Sinisisi ni Che sa kanyang pagkatalo ang pagpasok ng mga anak ng bantog na politiko sa 5th District na sina Arnold “Ali” Atienza, anak ni dating Mayor Atienza at Joey Hizon III, anak ni Joey Hizon, 3-term Congressman ng Distrito.

***

KAPWA nagwagi ang dalawa, habang laglag sina Che at Ric IBay. Si Atienza ang nag-top notcher sa anim na Konsehal at si Hizon III naman ang pumangalawa, sa mga nakakuha ng pinakamataas na bilang ng  boto sa Distrito 5.

Si Che, sa kabila ng pagiging incumbent councilor at sana’y panghuli na niyang termino, ay lumagapak sa ika-8 puwesto.

Olat si Che!

***

DAHIL walang puwesto, si Engineer Che, nagsusumiksik at pumapapel sa DPS, gayong ang kanyang anak ang na-appoint dito.

Kung ganoon? Anong silbi ng kanyang anak sa DPS? Palamuti lang ba? Sayang naman,  ang alam ko matalino ang kanyang anak.

***

KUNG ako kay Engr. Che, bigyan mo ng pagkakataon kumilos at dumiskarte sa sarili ang inyong anak.

Kaya nga inilagay ‘yan sa DPS ay dahil alam niya ang kanyang trabaho. Hindi niya kailangan ang anino mo sa kanyang likod, hindi ba?

Kaya sana kunte delicadeza lang Engineer Che, kunte lang!

NEW BLDG OF NAZARETH ACADEMY

ABA, blessing pala kahapon ng bagong gusali ng language school ng ating wonderful friend and hyper woman Sandra Cam, ang Pangulo ng Association of Whistleblower of the Philippines.

Pinasinayaan ang bagong gusali ng Nazareth Academy na pagmamay-ari ni Sandra sa Alfonso, Cavite. Kaya sa mga nagnanais na mag-aral ng iba’t ibang language, Korean, Chinese o English, okey’ yan skul ni Madame Sandra, very much recommendable!

Congrats my friend!

PABATI: Belated happy birthday to my beloved friend Atty. Rey Bagatsing.  How old are you na?!

Nagdiwang ng kaarawan si Atty Bagatsing kahapon. But it’s better late than never, ika nga, kaya, wishing you a good health and more happiness in life!

Again, Happy Birthday Atty Rey!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …