MUKHANG bulag at bingi ang matataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DoF) sa reklamo ng mga kapwa empleyado sa public sector laban sa mga katulad ni alyas DENNIS BIR aka WANG-WANG.
Ilang linggo na rin naman namo-monitor ang ala-Napoles na pagwawaldas ni alyas DENNIS BIR sa kanyang BISYONG SABONG sa mga sabungan diyan sa Rizal.
Na kung PUMARADA ay mahina ang sobra sa P100k hanggang milyon-milyones na pusta.
Sandaling nagpahinga sa pagsasabong, pero tatlong araw lang, BSDU ulit … ibig sabihin BALIK SA DATING UGALI (bisyo).
Sa totoo lang, maraming PUBLIC SECTOR employees ang naagrabyado sa mga kagaya ni DENNIS BIR.
Habang sila ay subsob-ulo sa pagtatrabaho para iangat ang SERBISYO PUBLIKO sa bawat ahensiya ng ating pamahalaan, isang Dennis BIR naman ang walang ginawa kundi ubusin ang ‘oras ng gobyerno’ para kanyang KAADIKAN sa SABONG o BISYO.
Nakapagtataka talaga kung paanong ang isang pangkaraniwang empleyado ng BIR na gaya ni alyas DENNIS WANGWANG ay nakapagsasabong na tila isang ‘MILYONARYONG DIBERSIYONERO’ gayong siya ay isang pangkaraniwang empleyado lamang.
At ang higit pang nakapagtataka, marami nang nagpapaabot ng reklamo kay BIR Commissioner KIM JACINTO-HENARES pero parang DEADMA lang.
KONSINTIDORA ba si Commissioner Kim Henares kaya hinahayaan lang niya si DENNIS BIR sa kanyang milyon-milyones na pagbibisyo?
Si Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque III, hahayaan na lang kaya niya ang isang public sector na gaya ni Dennis BIR na pagsamantalahan ang gobyerno?
DOF Sec. Cesar Purisima, hindi ka ba nagtataka kung bakit dumarami ang gaya ni DENNIS BIR sa public sector?
Kailan ba n’yo kakalusin ang katarantadohan ni DENNIS BIR aka WANGWANG!?
RCBC CAR LOAN AGENTS PALPAK DIN!
MUKHANG nagkakaroon ng hindi magandang kostumbre ang mga ahente ng car loan department ng mga banko.
Isa pang reklamo ang natanggap ng inyong lingkod hinggil na naman sa car loan.
This time naman ay car loan sa RCBC na ang ahente ay kilala sa alyas na ANGEL.
Isang BULABOG boy ang nag-apply ng car loan sa RCBC Ortigas Branch.
Isa sa mga garantiyang hiningi ng banko ay ang pag-iisyu ng 12 post- dated checks plus P5,000 na PADULAS para agad daw maaprub ang car loan.
Pero makalipas ang ilang araw ay wala rin nangyari.
So nag-decide ang BULABOG boy na i-refund na lang ang mga TSEKE niya at ‘yung P5,000. Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naibabalik ang kanyang mga tseke at ‘yung P5,000 cash.
Pakengsyet!!!
Hay naku naman! Sa hirap siguro talaga ng buhay (gayon man hindi rin po sapat na dahilan ‘yan).
Paging RCBC Ortigas management, PAKIIMBESTIGAHAN n’yo lang ‘yang agent ninyong si Angel … ilan na ba ang nabiktima n’yan!?
Ibalik ninyo ang TSEKE at P5k cash ng kliyente niya!
TALAMAK NA KOLEKTONG SA AOR NG MPD DAGUPAN PCP
MISTULANG isang kanta na ‘TULOY PA RIN’ ang ligaya ng mga pulis sa Manila Police District DAGUPAN PCP.
Tuloy pa rin ang ‘KANTA’ ng mga pobreng vendors na desmayadong itinutuga ang patuloy na KOLEKTONG ng isang alias TATA BUNSO.
Dating bagman ng sinibak na si Major BAGSIK, hepe ng naturang PCP.
Na pinalitan naman ngayon ng isang Punyente ‘este’ Tinyente Dino. Akala ng mga vendor ay magbabago at matitigil na ang pahirap sa kanila sa Dagupan pero mas malala raw ang naging kotongan ng mga tauhan ni Tinyente Dino sa pangunguna ng isang Sarhentong ‘este’ Sarhento Del Pedro.
Kaya naman mas umalagwa nang husto ang tarantadong si TATA BUNSO sa kolekTONG dahil may basbas umano ni Tinyente Dino at Sarhento Pedro!?
Isang alias MINDA TOMBOY ang ginagamit rin ni TATANGNA BUNSO sa kolektong sa Juan Luna St., at siyang ‘tagagupit’ bago i-entrega kay Tinyente Dino.
MPD PS-2 chief P/Supt. JACKSON TULIAO, napapartehan ka ba ng mga kolektong d’yan sa Dagupan – PCP o baka naman nabubukulan ka na!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com