Thursday , January 9 2025

Pedro Calungsod, The Musical, may hatid na mabuting mensahe at inspirasyon

 

MULING nagpakitang gilas ang aktor/director na si Vince Tañada ng kanyang husay sa teatro sa pamamagitan ngPedro Calungsod, The Musical na napanood namin last October 3 sa Tanghalang Pasigueño. Tinatampukan ito ni Jordan Ladra bilang si San Pedro Calungsod.

Si Jordan ay isa sa mga lead actor sa pelikulang Otso ni Direk Elwood Perez na pinagbidahan naman ni Direk Vince

Tama ang sabi ni katotong Robert Silverio na ibang approach ang ginawa rito ni Direk Vince dahil talagang tututok ang manonood sa stage play na ito, hindi lang dahil sa kaiga-iga-yang musika na isinulat ng Aliw awardee na si Pipo O. Cifra, kundi dahil sa galing ng mga nagsipagganap na pawang miyembro ng Philippine Stagers Foundation (PSF).

“I can see na talagang we are successful in our objective in inspiring the youth and that is the mission of theatre arts e, not only to entertain but to educate them as well. And by this play, I know that they’ve learned a lot not only to be educated by the life story of Pedro Calungsod, but more important than that, they were inspired.

“This is a life changing musical, this is something that they will remember,” saad ni Direk Vince.

Dagdag pa niya, “So, the objective is to contain them inside the theatre, to hold their interest, and after that inspire them.”

Masayang ibinalita rin ng actor-lawyer na ini-endorse ng CBCP ang play na ito matapos nilang mapanood ang play na Bonifacio na tinampukan ni Direk Vince.

“This is one play which is endorsed by CBCP, they’ve seen the play (Bonifacio),  and siguro pinagkatiwalaan na naman nila ‘yung artistic-merits ko, ‘yung capacity ko to create something like this, bigla na lang sila nag-release ng endorsement without seeing the entire play.

“Nagulat nga rin ako e, hindi ko ini-expect that they will endorse this without seeing the play.”

Sa panig naman ng bidang si Jordan, itinuturing niyang biggest break niya ang musical play na Pedro Calungsod. Sa seven years niyang pagiging bahagi ng PSF at ng napakarami nilang productions, ito ang pinaka-mabigat na role na natoka sa kanya so far.

“Ang mensahe ng play na ito, wala pong pinipiling edad, kahit bata pa ay puwede mong maipalaganap ang mga salita ng Diyos. Kasi siya, 12 years old pa lang ay alam na niya ang kanyang misyon e, 17 nang namatay si San Pedro Calungsod.” esplika ng 23 years old na si Jordan na isang BS Psychology graduate sa Manila Doctor’s College.

Ayon kay Jordan, mas nakae-engganyo ang mga ganitong musical play lalo na sa mga young audience, na siyang mas nakararami sa kanilang manonood. “Mas entertaining kasi at kapag ganito ay mas naa-absorb mo ang mensahe ng pinapanood mo, dahil mas naka-tutok ka sa palabas e.”

Abangan na lang ang announcements ng schedules ng Pedro Calungsod, The Musical na hahataw nang todo next month.
Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PAni Rommel Placente PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social …

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Pasabog ni direk Darryl patok na patok

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WHETHER we like it or not, marami ang pumapatol sa pasabog na …

Vic Sotto

Vic Sotto ‘di apektado pagkalat ng viral video

I-FLEXni Jun Nardo MASAYANG episode ang handog ng Eat Bulaga sa unang Sabado ng noontime show. Maraming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *