Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bus sinilaban sa Pangasinan

100713_FRONT

DAGUPAN CITY – Muntik naabo ang dalawang Five Star Bus sa terminal nito sa Brgy. Tempra Guilig sa bayan ng San Fabian, matapos silaban ng mga armadong lalaki sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay C/Insp. Roland Sacyat, hepe ng San Fabian PNP, dakong 6:45 p.m., may tumawag sa  himpilan  ng  PNP  upang iparating ang panununog sa mga bus.

Agad nagresponde ang mga awtoridad ngunit hindi na naabutan ng mga pulis ang mga suspek.

Mabilis na naapula ang apoy sa harapan at tagiliran ng mga sasakyan. Wala namang nasaktan sa pangyayari.

Nabatid na diario na may halong gasolina ang ginamit na pansunog ng armadong mga lalaki.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Ni JAIME AQUINO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …