KAYA naman pala walang kupas na kadedepensa ni Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kanyang senate bossing and buddy Juan Ponce Enrile ‘e kasama pala siya sa mga nagbigay ng pondo sa bogus na non-government organization ni Janet Lim-Napoles.
Sa ulat ng Department of Budget Management (DBM), sumulat sina Marcos at Sotto para ilaan ang kanilang DAP ‘reward’ sa Department of Agrarian Reform (DAR) na sa kalaunan ay inilipat sa National Livelihood Development Corp. (NLDC) at inendoso sa foundations ni Napoles.
Pero gaya ng ‘ALIBI’ ni Sen. Bong Revilla, sinabi ni Sotto na wala raw siyang alam sa nasabing sulat at maaaring pineke lamang ang kanyang pirma.
Ganito rin ang unang ‘ALIBI’ ni Sen. Bongbong Marcos. Sabi niya, pineke rin ang kanyang lagda kasabay ng panggigiit na wala siyang kinalaman sa pork barrel scam.
Wala talaga kayong KAKURAP-KURAP … magsinungaling!
Ang lakas mo mang-EAT BULAGA, Senator SOTTO!
MILLION PEOPLE MARCH SA MAKATI CITY DEADMA SA MAS MALAWAK NA MAMAMAYAN
ESPONTANYONG protesta ang hinahananp ng ‘silent majority’ laban sa isyu ng pork barrel scam.
At dahil nagpakita ng ORGANISADONG PWERSA ang mga lumahok sa MILLION PEOPLE MARCH, marami ang hindi maganda ang impresyon, parang kinokopo raw ng grupong KALIWA.
Impresyon lang naman ‘yan…
Mas tinitingnan natin na ‘HILAW’ ang mga kilos-protestang anti-pork barrel.
Una, ano ba ang call o panawagan ng mga protesta? O sa ibang salita, ano ang layunin?!
Manggulat lang ba?! Manakot?! Ipakita na malaki ang pwersa na anti-pork barrel?
Ang isa pa sa napuna natin kahapon, malaki ang pwersa ng mga militanteng party-list.
Kaya mas marami tuloy ang kwestiyon. Hindi ba’t lumamon ‘este’ nakikinabang rin sila sa PORK BARREL ng kung ilang taon?
Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit ‘MALUWAG’ ang nasabing protesta sa million people march sa Makati.
Ang isa pa ngang kakataka d’yan, nandoon sila sa harap ng rebulto ni NINOY, pero ang inuupakan nila ang anak na si NOYNOY.
Hik hik hik …
Dumami nga lang ang tao noong dakong gabi na dahil mayroon daw concert.
Kakaibang gimik nga ‘yan para sa mga gustong makaranas ng ‘iba naman.’
Anyway, ang masasabi lang natin, huwag naman sanang gasgasin ang ‘kapangyarihan’ ng isang ‘espontanyong malawak na protesta.’
Baka kasi kapag kailangan na talaga natin ‘yan ay tuluyan nang madala ang taong bayan.
Gamitin natin ‘yan sa tamang panahon nang buong lakas. ‘Yung isang beses lang pero pagkatapos ‘e KUHANG-KUHA natin ang ating LAYUNIN.
Pwede ba ‘yun mga ‘sawsaw-sukang’ protesters?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com