Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, perfect para kay Coco (Pero hindi muna raw niya liligawan ito sa ngayon…)

00 SHOWBIZ KONEKPERFECT. Ganito inilarawan ni Coco Martin ang isa sa kanyang leading lady sa Juan dela Cruz na magtatapos na sa Oktubre 25 ng ABS-CBN2.

Ayon kay Coco, hindi niya nililigawan pa sa ngayon si Shaina at hindi naman niya itinatago ang paghanga sa dalaga at sinabi pang, perfect ito para sa kanya.

“Honestly si Shaina ay perfect—napakabait, napakaganda, disente. Kumbaga sa lalaki, wala ka nang mahihiling pa. Pero this time, nag-e-enjoy kami sa trabaho namin, sa grupo namin, na kapag nagte-taping kami, wala kaming ginagawa kung hindi kumain, magtawanan,”  paliwanag ni Coco.

“Pero kung ako ang tatanungin kung liligawan ko si Shaina? Siguro not this time. Kasi parang hindi ko maibibigay ‘yung oras o tamang (gawain) para sa isang relasyon. Kasi sabi ko nga, ako sa sarili ko, halos wala akong time. Pero darating din tayo riyan,”  dagdag pa ng binate.

Sinabi pa ni Coco na nag-eenjoy siya sa pagiging single sa kasalukuyan at hindi naman siya nagmamadali para magsimula ng kanyang sariling pamilya. ”This time, nag-e-enjoy ako ngayon. Nakalulungkot nga lang dahil wala akong time sa sarili at family ko. Pero kung ano ang ginagawa ko ngayon, sobra kong ini-enjoy. Sabi nga nila, kapag artista ka kahit anong hirap ang ginagawa mo, masaya ka the more na napi-feel mo ‘yung trabahong ginagawa mo.

“Ako, ayaw kong madaliin  ang magpamilya, kasi nanggaling ako sa wala at alam ko na hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong opportunity. Kumbaga darating din ang panahon. Kasi ngayon parang hindi natin prioridad na parang gusto nating tumahimik o mag-settle. Hindi ba mas iniisip natin ngayon ‘yung future natin?” anang binata na sa totoo lang inuuna niya ang kapakanan ng kanyang pamilya. Ipinagpagawa na niya ang mga ito ng bahay at unti-unti na riyan niyang binibigyan ang mga ito ng kani-kanilang negosyo para naman daw pagdating ng araw ay may makatulong na siya sa pagtatrabaho.

Samantala, sa pagsisimula ng huling 15 gabi ng Juan dela Cruz, tiniyak ni Coco na mas kaabang-abang ang mga eksenang mapapanood sa mga susunod na linggo.

“Marami pang rebelasyong gugulat sa ating lahat sa last three weeks ng show. Mayroon pa bang magbubuwis ng buhay para mapigilan ang kasamaan ni Peruha (Diana Zubiri)? Happy ending ba ang love story nina Juan at Rosario (Erich Gonzales)? At sa huli, maililigtas ba ni Juan ang mundo mula sa kasamaan ng mga aswang,” kuwento ni Coco kaugnay ng kuwento ng Juan dela Cruz na magtatapos na sa Oktubre 25 (Biyernes).
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …