Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis binugbog, sinagasaan ng motor ni mister (Tumangging makipag-sex)

CEBU CITY – Sinampahan ng kaso ng isang misis ang kanyang mister matapos siyang bugbugin at sagasaan ng motorsiklo nang tumangging makipagtalik.

Ang mag-asawa na hindi na isinapubliko ang mga pangalan ay nakatira sa Purok Camote, Brgy. Cambaro, Mandaue City, Cebu.

Ayon kay PO1 Daezy Pereño ng Women’s and Children Protection Desk ng Mandaue Police Station, pumunta sa kanilang tanggapan si alyas Josephine, 42, upang ireklamo ang kanyang mister na si alyas Felipe, 41.

Ayon sa biktima, sa tuwing nalalasing at maha-high sa drugs ang kanyang mister ay pinipilit siyang makipagtalik kahit pagod sa trabaho.

Kadalasan din ay binubugbog siya ng suspek.

Aniya, umalis siya sa kanilang bahay dahil kinaladkad siya ng kanyang mister patungo sa kwarto upang piliting makipag-sex. Ngunit sa kanyang pag-alis ay sinundan siya at sinagasaan ng minamanehong motorsiklo kaya siya nagkaroon ng maraming galos at pasa sa kanyang katawan.                   (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …