SWAK sa bilangguan ang isang criminology student matapos arestuhin ng guwardiya ng eskuwelahan na pinapasukan dahil sa pagyayabang na may baon siyang marijuana sa kanyang bag sa Maynila inulat
Isinailalim na sa inquest proceedings ang estudyanteng si Kevin Bruzo 17, sophomore ng Philippine College of
Criminology and Review, ng 542 Tagaytay St., Caloocan City, sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang probisyon kaugnay sa pagdadala ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Ayon kay MPD Station 3 desk officer, SPO2 Michael Mariñas, mismong guwardiya ng PCCR na si Jomari Locsin ang bumitbit sa naturang estudyante matapos makumpiskahan ng
dalawang plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana si Bruzo.
Nabatid na dakong 12:00 ng tanghali, ipinagyayabang ni Bruzo sa kanyang mga kaklase na nakapagpalusot siya ng illegal na dahon sa loob ng PCCR,
Narinig umano ito ng guwardiyang si Locsin at nakita rin ang pinangangalandakang dahon ng marijuana na dala ng suspek, kaya agad itong inaresto saka inilipat sa pangangalaga ng Manila police. (LEONARD BASILIO/
BRIAN BILASANO)