Sunday , December 22 2024

Kelot utas sa 3 bala

TATLONG bala na ibinaon sa kanyang mukha at ulo ang umutas sa buhay ng isang lalaki habang nakikipag-usap sa isang kaibigan sa isang matao at magulong kalye sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga .

Kinilala ang biktima na si Antonio Diaz, 24 anyos, walang asawa at walang trabaho, residente sa Block 8-B, Lot 11, Model Community, Tondo.

Sa ulat ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District – Homicide Section (MPDHS), dakong 10:05 ng umaga kahapon, nakikipag-usap ang biktimang si Diaz sa kanyang kaibigan na si Mark Juny, 17-anyos, nang biglang lapitan ng suspek saka pinutukan sa mukha.

Tinangka umano ni Diaz na takasan ang suspek ngunit siya ay nadapa kaya muli pa siyang binaril sa ulo.

Agad tumakbo ang suspek papalayo matapos tiyakin ang kamatayan ng biktima sa pamamagitan ng dalawa pang putok sa ulo.

Kinompirma ang tatlong tama ng bala sa ulo ng biktima sa eksaminasyon ng mga imbestigador.

Itinakbo si Diaz sa Mary Johnston Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dakong 11:55 am.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang suspek upang alamin ang motibo ng pamamaslang.

(DAPHNEY ROSE TICBAEN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *