Wednesday , November 13 2024

GMA, Napoles, 20 pa sa Malampaya Plunder

KINASUHAN ng plunder o pandarambong ng  National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes sina dating Pres. Gloria Arroyo, “pork scam queen” Janet Napoles, at 20 iba pa kaugnay ng maling paggamit umano ng P900 milyon mula sa Malampaya gas fund.

Kabilang sa mga kinasuhan sina dating Exec. Sec. Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman at kanyang Undersecretary Rafael Nieto, DAR finance officer Teresita Panlilio, dating Budget Sec. Rolando Andaya at kanyang Undersecretary Mario Relampagos.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), nakasaad daw sa testimonya ng mga whistleblower na pineke ng mga empleyado ng JLN Corp., na pag-aari ni Napoles ang pirma ng 97 alkalde, para makuha niya ang pondo ng Malampaya na nakalaan sana para sa kanilang  nasasakupan na nabiktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Mantakin ninyong ibinunyag ni Justice Sec. Leila de Lima na P337.775 milyon daw ang kickback mula sa Malampaya fund na ipinamahagi sa public officials.

Nakatanggap daw si Pangandaman ng P75 milyon, Panlilio P40 milyon, at Nieto P6 milyon. Isang “Ruby Tuason” daw ang nakatanggap ng P242.774 milyon pero hindi pa natutukoy kung sino ang “principal.”

Naniniwala raw sina De Lima na ginamit ng dating pangulo at dating executive secretary ang Executive Order 848 para maaprubahan ang mga request na ginawang limang araw bago ilabas ang Executive Order, kaya “sabit din po sila.”

Binigyan daw ng awtorisasyon ni GMA sa Executive Order ang Budget department para mai-release ang pondo mula sa Malampaya Gas Project para sa mga programa na may kaugnayan sa Palasyo. Hindi raw pala mailalabas ang special allotment release order (SARO) at notice of cash allocation (NCA) kung hindi dahil sa minadaling EO.

Kasama rin inireklamo ang 12 pangulo ng non-government organizations. Ayon sa liquidation report, akalain ninyong ang bawa’t isa sa naturang mga NGO ay nakatanggap daw ng mula P55 milyon hanggang P82.5 milyon.

Ayon kay Merlina Suñas, dating empleyada ni Napoles na naging whistleblower, itinalaga raw siya ni Napoles bilang project coordinator sa DAR sa Malampaya fund operation.

Walang alkaldeng kakasuhan kaugnay ng Malampaya fund scam dahil ang benepisaryo  at lagda nila ay pawang pineke, at walang naiparating na supply para sa kinauukulan.

Plunder din ang unang ikinaso ng NBI kay Napoles kaugnay ng sinasabing P10 bilyon pork scam, na ang pork barrel ng ilang mambabatas ay napunta raw sa ghost projects ng pekeng NGOs ni Napoles. Ngayon ay nakakulong siya sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.

Sa sandamakmak na ebidensya laban kay Napoles, mga mare at pare ko, maaabswelto pa kaya siya tulad ng ipinagmamayabang ng abogada niyang si Lorna Kapunan?

Abangan!

•••

NITONG Huwebes ay kinasuhan si Nur Misuari ng rebelyon at paglabag sa “international humanitarian law” kaugnay ng 20-araw na bakbakan ng mga sundalo at rebelde sa Zamboanga.

Mag-alay ng malaking reward para mapadali ang pag-aresto at pagpapanagot sa damuho.

Pakinggan!

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *