ANO ang Chinese abacus at paano ginagamit ang abacus sa Feng Shui? Ang abacus ay lumang calculator na ginamit ng maraming kultura sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa nakaraang mga siglo. Bagama’t ito ay simple sa paningin, ang abacus ay nagagamit sa ilang mathematical calculations.
Ang Chinese abacus, tinagurian din bilang suanpan o counting tray, ay ginamit simula noong 2nd century BC at ginagamit pa rin hanggang ngayon. Ito ay mayroong rectangular board at may several rods – maaaring sampu o 11 – at maraming hardwood beads. Mayroong upper deck (na may dalawang beads sa bawat rod) at lower deck (na may limang beads) sa Chinese abacus, ang lahat ay ginagamit sa iba’t ibang computations.
Dahil ang Abacus ay may kaugnayan sa pera o kasaganaan, ito ay naging popular feng shui cure for wealth.
Ang abacus ay ginagamit ng maraming negosyante sa pag-asang magtamo ng maraming benta. Kaya magsuot ng maliit na abacus bilang pendant o mag-display nito sa negosyo para makahikayat ng maraming benta, at magtamo ng maraming pera.
Lady Choi