Friday , January 10 2025

Bureau of Customs inumpisahan na ni PNoy

HAYAN NA, ipinadama na ni PNoy ang kanyang galit sa Bureau of Customs BOC). Matapos ipabuwag kay Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga walang kuwentang task force na nagagamit lang sa pangongotong, isinunod ni PNoy ang ‘pagsibak’ sa lahat ng deputy commissioner ng bureau, maliban kay Danny Lim na nagbitiw sa posisyon ilang araw makalipas nang banatan sa SONA ni PNoy ang ahensya.  Dats d ryt dcsyon General. Delicadeza ang tawag diyan.

Kasabay rito, ginalaw din ni PNoy ang kilalang tatlong kolokoy este hari daw ng BoC. Hari? Hindi naman siguro kundi magagaling lang magtrabaho.

Kanyang binalasa sina Atty. Rogel Gatchalian ng Port of Manila; Rolando Belmonte ng Manila International Container Port (MICP) at Carlos So ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hayun, nag-iyakan ang tatlo. Bakit kaya? Ano mayroon sa dati nilang posisyon?

Ano pa man, sinasabing dapat rin ikonsidera ni PNoy na kalkalin ang Enforcement Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na nasa superbisyon ng customs police.

Ang ESS, CIIS ay tulad lang kasi ng mga binuwag na TF na nagagamit sa kotongan. Kumbaga ay copycat lang din ang trabaho  ng ESS at CIIS sa Enforcement Intelligence Group (EIG) at ng Intelligence Group (IG). Magkahawig lang ang function nila. Anong function? Kotongan function?

Katunayan, nag-iiyakan ang mga broker sa sobrang pangongotong ng mga tiwali sa ESS at CIIS. Kahit nga daw legal ang negosyo nila ay iniipit pa. Iyon pala ay kokotongan lang sila.

Ret. Gen. George Alino, your attention is badly needed.

Sa matinding kotongan ng ESS at CIIS, dapat lamang na buwagin ito tulad ng mga TF dahil pareho lang naman ang trabaho nito sa IG. Tama! Buwagin na iyan!

DoF Sec. Cesar Purisima at Comm. Biazon, inaayos na rin lang ninyo ang BoC, sagarin na ninyo.  ‘Wag na ninyong hintayin pa si PNoy na kumilos. Busy ang mama sa pagtatanggol sa ilegal na DAP.

•••

Ano naman itong nakatatawang usapan sa BoC. Ibabalik daw ni PNoy sa BoC ang isa sa Deputy Commissioner na kanyang ‘iniluwa’ este, tinanggal pala. Ang usap-usapan ay ipinamamalita ng mga “die heart” funs ni dating Dep. Comm. Prudencio Reyes, na ibabalik daw ni PNoy ang kanilang amo sa Aduana. Ha!? Totoo ba ito Ginoong PNoy? Labo yata ng tsimis na ito. Iniluwa na, isusubo uli ni PNoy.

Ops, infairness kay Reyes, naniniwala tayong wala siyang kinalaman sa kumakalat na tsismis at siyempre, iyong mga sinasabing ‘naniniwala’ sa kanya ang maaaring gumagawa lang nito para pampalakas-loob. No, unfair nga naman talaga kay Reyes.

Anyway, usap-usapan lang naman iyan. Pero mas mabuti na iyong nakabantay ang bayan. Hirap nang malusutan. Di ba Pangulong Aquino?

Malusutan ba ang ‘ika mo. Oo, alam n’yo ba na minsa’y ay kamuntik italaga ni PNoy bilang deputy commissioner for IG si Reyes noon. Gano’n? Opo, muntik nang maging IG chief si Reyes noon pero binawi ni PNoy. Bakit?

Paano kasi nalaman niyang may nakabinbin na kaso sa Ombudsman si Reyes kaugnay ng P600 million Baguio Water Supply Project noong 2000. Kinasuhan siya ng graft ng kanyang mga opisyal sa LWUA noon habang si Reyes ang administrator ng ahensya.

Sa pagtatanggol naman ni Reyes sa korte, pinabulaanan niya ang mga akusasyon sa kanya hinggil sa proyekto. Aniya ay walang katotohanan ang lahat ng ibinibintang sa kanya. Pero ngayon, clear na raw si Reyes sa Ombudsman. Pakisilip na lang po Pangulo.

Totoo rin ba na si Reyes noon ay napatunayan ng Second Division ng Supreme Court noong 2009 na inabuso ang kanyang posisyon sa LWUA matapos niyang ilipat sa ibang opisina ang mga nagsampa ng kaso laban sa kanya sa Ombudsman.

Sa desisyon, hinatulan ng one-year suspension o  multang one-year salary.

Heto kaya ang mga dahilan noon para bawiin ni PNoy ang appointment ni Reyes?

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *