Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 bahay naabo sa kalan

ANIM kabahayan ang naabo dahil sa  napabayaang kalan habang nagluluto ng tanghalian ang isang ginang kahapon ng umaga sa Malabon City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon City, dakong 11:05 ng tanghali kahapon nang masunog ang bahay ng isang Maryjane Reyes, nasa hustong gulang at residente ng S. Pascual Street, Brgy. San Agustin ng lungsod.

Unang naiulat na tatlong anak ni Reyes may edad 3,5, at 7, ang naiwan sa itaas ng bahay ngunit nailigtas ng mga kapitbahay bago pa tupukin ng apoy ang bahay ng mga Reyes.

Nagluluto umano ng kanilang panindang pagkain at pananghalian ang ginang nang lumabas upang sunduin ang isang anak sa kalapit na paaralan at nakalimutan ang nakasalang sa kalan.

Dito sumiklab ang apoy na madaling kumalat sa iba pang kabahayan na pawang gawa sa light materials.

Wala naman nasaktan sa nasabing sunog na agad naapula  ng mga pamatay-sunog at sa pagtutulungan ng  mga residente sa lugar.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …