KAUSAP SI MARIO NI MAJOR DELGADO NA ‘DI MABALASIK ANG ANYO
Napukaw ang daloy ng gunita ni Mario nang lapitan siya sa selda ng isang unipormadong pulis, si Major Delgado. Hindi kukulangin sa apatnapu’t lima ang edad nito.Maayos at malinis ang kasuotan.Plantsado ang maigsing buhok. At kahit seryoso ang bukas ng mukha, hindi mabalasik ang anyo ni Major Delgado.
Ngunit bunga ng masamang imaheng naipinta ng grupo ni Sarge sa hanay ng kapulisan, pinangilagan agad ito ni Mario. Nang tangkain nitong makipag-usap sa kanya ay dagli siyang tumalikod.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong kay Mario ni Major Delgado.
“Mario dela Cruz,” ang paasik niyang tugon nang hindi nanlingon sa kumaka-usap.
“Ano’ng kaso mo?” usisa pa sa kanya ng opisyal, binubuklat-buklat ang blotter na hawak.
“Ayaw ng tubag-tubag,” (Tagalog: ‘Wag kang sumagot nang sumagot.) awat kay Mario ni Delia. “Basin ug usa sad na sa mga buang na pulis, madu-gangan nang madugangan ang kaso mo.” (Tagalog: Baka isa rin ‘yan sa mga lokong pulis, madagdagan nang madagdagan ang kaso mo.)
“Sabihin mo, abogado ng mister mo’ng kausapin,” bulong ni Aling Patring kay Delia.
“A-abogado na lang ng mister ko ang magsasalita para sa kanya, Sir,” baling ng maybahay ni Mario sa opisyal ng pulisya. (Subaybayan bukas)
Rey Atalia