Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tumitindi ang panawagang Hagdang Bato vs Crusis

Tumitindi ang panawagan para sa hinihinging laban ng dalawang kampeon—ang Hagdang Bato at Crucis.

Ito ang reaksiyon ng ilang karerista matapos mabatid na nag-alok ng malaking papremyo ang Philracom para maglaban ang alaga nina Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos (Hagdan Bato) at dating Philracom Commissioner Marlon Cunanan (Crusis).

Sa Quezon City,  isang Off-track Betting station ang naglagay ng tarpaulin nina Hagdang Bato at Crusis na tila nagtatanong kung kalian magaganap ang laban ng dalawang kampeon.

Ang Hagdang Bato na  kinikilalang kampeon sa hanay ng local matapos siyang tanghaling Juvenile champion,Triple Crown  grand slam champion at Presidential Gold Cup habang si Crusis naman ang pumalit sa puwesto ni Juggling Act matapos niyang talunin sa Ordiales cup noong nakaraang buwan.

Nagkaroon ng interes na magharap ang dalawang kampeon sa publiko matapos magpakita ng magandang tiyempo ang alaga ni Cunanan na si Crusis ng impresibong panalo laban kay Juggling Act.

Sinasabing si Crusis ang magiging katapat ni Hagdang Bato at iyon ang kanilang panawagan—ang  magharap ang parehong kampeon.

Sa Cojuangco Cup, kung saan isang pakarera ng imported at local runner ang puwedeng paglabanan ng dalawa na may papremyong P2-milyon.

Abangan po natin ang sususod na mangyayri at dito lamang sa pitak na ito ninyo matutunghayan ang magiging kaganapan at tila isang hamon sa dalawang kampeon na kapwa nag-iiwasan na magkrus ang landas.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …