ANG tigers eye ay very protective stone. Ito ay may taglay na malakas na enerhiya at may kakayahan ng pagmamatyag kaya ito tinaguriang tigers eye.
Ang tigers eye stone ay may specific colors, mula sa golden yellow hanggang sa deep reds. Ito ay mayroon ding iba’t ibang degree at lakas ng grounding energy. Ang tigers eye ay mayroon ding mystical, opalescent quality, at sa taglay nitong kulay na makintab na parang ginto, brown o pula, ito ay masasabing napaka-espesyal na bato.
Ang tigers eye ang paborito sa protective stones. Katulad ng dzi beads, ang watchful eye energy ng tigers stone ay matagal nang ginagamit sa iba’t ibang porma ng alahas at bilang protective home décor.
Hindi katulad ng iba pang protective stones, halimbawa ay ang carnelian o black tourmaline, ang tigers eye ay maaari ring makatulong sa pagbalanse at pag-clear ng emosyon, kaya napapakalma ang isip at napapayapa ang disposisyon.
Karamihan sa tigers eye sa merkado ay nagmula sa India, US, South Africa at Australia.
Sa feng shui, ang tigers eye ay ginagamit dahil sa protection and clearing properties nito. Makikita rin ang tigers eye sa iba’t ibang feng shui cures, katulad ng wind chimes, pi yao and balls, at sa specific feng shui carvings katulad ng hears, mandarin ducks, etc.
Lady Choi