Pinangunahan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagtitipon ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan at lipunan upang makabuo ng pangmatagalang solusyon sa lumalalang problema sa tubig at pagbaha sa Laguna de bay Region (LdBR) at sa buong bansa.
Ayon kay Presidential Adviser for Environmental Protection at LLDA General Manager Sec. J.R. Nereus “Neric” O. Acosta, kinakailangang sang-kot ang lahat sa pagbuo ng viable at long-term solutions sa problema hinggil sa suplay ng tubig at mga pagbaha.
Nabatid na ang dalawang araw na summit na may titulong The Laguna Lake Water and Flood Management Imperative ay isang seminal effort upang pagsama-samahin ang lahat ng stakeholders ng LdBR o lahat ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar, na may kinalaman sa isyu, upang talakayin ang integrated approaches sa water at flood ma-nagement sa Laguna Lake Basin, na may temang “Towards the Sustainable Resiliency and Adaptive Development of the Laguna Lake Basin.”
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng iba’t ibang sector tulad ng industry owners, business leaders, pollution control practitioners, LGUs at policy makers, civil society at academe, peoples’ organizations, at community representatives tulad ng mga babae, mangingisda, magsasaka at mga negosyante.
Nagkaroon rin ng exhibition na kinatatampukan ng mga produkto, teknolohiya at mga ser-bisyo ng iba’t ibang stakeholders.
Ang pagtitipon ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon na magtatagal hanggang ngayon Oktubre 4, 2013 at dinaluhan din nina Sec. Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sec. Florencio Abad ng Department of Budget and Management (DBM).
Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang LLDA at ang Local Government ng Antipolo City, na kinaka-tawan ni Mayor Casimiro “Junjun” Ynares III, bilang pagpapakita ng mahalagang partnership upang makamit ang solus-yon sa mga isyung pang-kalikasan.
Ang summit ay kaugnay ng ecological action ng LLDA at ni Acosta sa “tuwid na daan sa luntiang paraan” bilang bahagi ng isinusulong na pagbabago ng pamahalaang Aquino.