Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marbury tumulong sa PBA

NAGBIGAY ng tulong ang dating NBA All-Star na si Stephon Marbury sa outreach program ng PBA.

Noong isang gabi ay bumisita si Marbury sa Cuneta Astrodome upang panoorin ang laro ng semis sa Governors Cup ng Petron Blaze at Rain or Shine at sa halftime ay nagbigay siya ng 300 na pares ng kanyang Starbury na sapatos para sa mga mahirap na batang tinutulungan ng Alagang PBA.

Ayon sa ahente ni Marbury na si Sheryl Reyes, bahagi ito ng paghandog ng tulong ni Marbury sa mga batang Pinoy na mahilig sa basketball lalo na unti-unting nararamdaman niya ang kulturang Pinoy.

Ito ang ikatlong pagbisita ni Marbury sa bansa ngayong taong ito at noong Agosto ay nag-organisa siya ng benefit na laro sa Pasay City kasama ang ilang mga PBA players at artista.

Sa ngayon ay nakabase si Marbury sa Tsina bilang manlalaro ng Beijing Ducks ng Chinese Basketball Association at hanggang ngayon ay iniidolo pa rin siya sa nasabing bansa pagkatapos na mawala siya sa NBA.      (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …