Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, makakasama na ang tunay na ina

MATAPOS ang matagal na paghihintay, makakamit na ng karakter ni Kim Chiu ang ‘happy ever after’ nito sa award-winning fantasy-drama athology ng ABS-CBN na Wansapanataym.

Sa huling episode ng Wansapanataym Presents: My Fairy Kasambahay na eere ngayong Sabado (Oktubre 5),  patutunayan ni Elyza (Kim) ang tibay ng kanyang pagmamahal sa pamilya, lalo na ngayong nakilala na niya ang tunay niyang ina na si Lori (Angel Aquino).

Paano magagawang buuin ni Elyza ang samahan nilang mag-ina kung kontra rito ang bagong asawa ni Lori? Kakailanganin ba nila ang super powers ni Fairy Mayordoma (John ‘Sweet’ Lapus) para maisakatuparan ang pangarap nilang buong pamilya?

Kasama rin sa My Fairy Kasambahay sina Joseph Marco, Miguel Vergara, Arnold Reyes, Peewee O’Hara, at Cecil Paz mula sa panulat ni Arlene Tamayo at direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng at mapapanood ito 6:45 p.m., bago ang Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …