Balik sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ang mga pakarera sa gabing ito, kaya magbabahagi kami ng giya at baka mapabilang ang aming mga nasilip na madalas manakbo diyan sa SAP.
MR. XAVIER – mainam ang itinakbo at nilaro-laro lang ng kanyang hinete. JADEN LABLOLO – ginawa ang lahat ni Jeff Bacaycay, iyon nga lang ay naging mas malakas sa kanya ang nakalaban. Sa kabayong iyan ay nabigyan pa ng suspensiyon na 6 na araw si Jeff dahil sa ‘Careless Riding”. LUCKY MASTER – bawi na lang sa susunod na takbo niya kapag wala ng carry over at baka mairaos na nila. ARANQUE – maganda ang diskarteng nagawa ni Jeff Zarate na hinayaan niya muna umarangkada ang mahigpit niyang kalaban at tsaka na lamang hiningan papasok sa rektahan.
FIELDS OF GOLD – hindi kagandahan ang ikinilos sa kamay ni apprentice rider Tong Basilio, kaya bawi na lang sa susunod at baka manalol na. EARLY GREETINGS – malapit nang pitasin, kaya huwag iiwan. QUITEK WILLY – medyo lumalabas na ang husay. NURTURE NATURE – marami ang nag-alangan sa klase ng pagpapatakbong nagawa sa kanya.
CONQUEROR – mas nakikitaan ng buti kapag talagang siya ang magdikta ng ayre na hindi gaanong kalakasan. MR. SLIM – pakiramdaman lang palagi bago tayaan. FACE TO FACE – lumabas ang buti nilang dalawa ng kanyang sakay na si Pati Dilema. VERMONT – bahagyang nakiputan lang sa kanyang daraanan pagsungaw sa rektahan. ECHOMAC – init na init na ito at malamang na magpasabog na ng panalo.
Fred Magno