PINIGIL ng Commission on Elections ang pagpapalabas ng pondo para sa Conditional Cash Transfer o CCT program ng gobyerno sa panahon ng barangay elections.
Ipatutupad ito sa sandaling mag-umpisa na ang campaign period para sa halalang pambarangay sa Oktubre 28.
Nagkasundo rin ang COMELEC, DSWD at DILG na parusahan ang sinomang kandidato na mapa-tutunayang ginamit ang CCT program para makakuha ng popularidad sa eleksiyon.
Paliwanag ni Comelec Commissioner Grace Padaca, alinsunod sa batas ay ipinagbabawal ang pagpapalabas ng public funds kapag panahon ng kampanya.
Aniya, simula Oktubre 18 ay hindi na ire-release ang pondo para sa CCT program na saklaw ay 3.9 milyon Filipinong pamilya sa buong bansa.
(LEONARD BASILIO)