Tuesday , April 15 2025

5 traders swak sa P6.6-M rice smuggling

Nahaharap sa kasong smuggling ang limang rice traders matapos sampahan ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ).

Kinilala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga kinasohan na sina Maricris Wu, may-ari ng Ocean Park Enterprises kasama ang customs broker na si Fares Fel Roma dahil sa paglabag sa Tariffs and Customs Code of the Philippines.

Ani Biazon, nagpuslit ng 10 twenty-footer container vans ang Ocean Park ng smuggled na bigas mula Myanmar na nagkakahalaga ng P6.650 mil-yon.

Sinampahan din ng kaparehong reklamo ang may-ari ng Vintage Eagle Marketing na si Julius Hinoo, kasama ang may-ari ng Mindanao Portal Enterprises at Zone Zodiac Commercial na sina Edmundo Acuno at Fernando Palingcod.

Paliwanag ng opisyal, nilabag ng mga negos-yante  ang Customs Code nang tangkain nilang ipuslit sa bansa ang dalawang forty-footer container vans na naglalaman ng bigas galing Hong Kong at nagkakahalaga ng P1.5 milyon. Sinabi ni Biazon, sa pamamagitan ng bagong talagang Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group na si Editha Tan, mapag-iibayo pa ang kanilang pagsawata sa talamak na smuggling sa bansa. (LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *