Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay sa hinoldap na fastfood

Dalawa katao ang napatay matapos magkabarilan nang holdapin ng apat katao ang  kilalang fastfood chain kagabi sa Marikina City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jerico Belarmino, 27, security guard ng  Semper Fidelies Security Agency at residente  ng Zone 8, Purok 1, Cupang, Antipolo City at isang hindi pa kilalang holdaper.

Nakatakas ang tatlong holdaper nang iwanan nila ang kanilang kasamahang napatay nang makipagbarilan sa nagrespondeng mobile patrol ng Marikina PNP.

Sa ulat, naganap ang panghoholdap alas 8:00 ng gabi sa Jollibee Fastfood sa BB Avenue,  Bayan-Bayanan, Brgy. Concepcion Dos, Marikina City.

Nabatid na pumasok sa nasabing fastfood chain ang mga suspek, nagpanggap na mga kostumer at nang makapasok ay agad dinisarmahan ang security guard na si Belarmino.

Habang nililimas ng mga suspek ang pera sa mga kahera ay nakalabas ang guwardiya at nakahiram ng baril sa isa rin guwardiya sa isang convenience store.

Tinangkang habulin ng biktima ang mga tumatakas na holdaper ngunit tinamaan siya nang ratratin ng mga suspek na agad niyang ikinamatay.

Nagkataong nagpa-patrolya ang Special Reaction Unit ng Marikina PNP kaya agad nakaresponde at hinabol ang mga suspek na tinamaan ang isa sa kanila.

Inagaw ng mga suspek ang isang KIA Rio, may plakang UJO-644, na ginamit sa pagtakas at inabandona sa bahagi ng East Drive.

Narekober sa inabandonang sasakyan ang isang balisong at magasin ng kalibre .45 at isang kalibre .38 na baril sa pinangyarihan ng barilan.

Nagsasagawa rin ng follow-up operation ang pulisya para matukoy kung sino ang mga salarin.     (MIKKO BAYLON/

ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …