Sunday , December 22 2024

Warrant of arrest vs Reyes bros epektibo pa

Nananatili pa rin ang mandamiento de aresto laban sa magkapatid na ex-Palawan Gov. Joel Reyes at ex-Coron Mayor Mario Reyes sa kasong pagpatay kay Dr. Gerry Ortega.

Ito ang nilinaw ni Atty. Alex Avisado, abogado ng pamilya Ortega, makaraan ibasura ni Judge Angelo Arizala ng Puerto Princesa Regional Trial Court Branch 52, ang mosyon na inihain ng kampo ng dating gobernador na bawiin ang warrant of arrest at ibasura ang kaso laban sa kanya.

Ani Avisado, maging ang mosyon ng dating alkalde nang hilingin niyang baligtarin ng hukuman ang finding of probable cause sa kaso ng pagpatay kay Dr. Ortega ay hindi rin pinagbigyan ni Judge Arizala.

Sa nasabing mga desisyon ng hukom, pinagtibay ng mababang korte ang nauna nitong kautusang may petsang March 27, 2012, na nagsasabing may probable cause para ipagharap ng kasong murder sa korte ang magkapatid na Reyes at iutos ang pag-aresto sa kanila.

Dahil dito, naniniwala si Avisado na sa kabila ng pag-abswelto ng Court of Appeals Special 10th Division kay dating Governor Reyes ay nananatili pa rin ang warrant of arrest laban sa magkapatid. (LEONARD BASILIO)

MAHISTRADO NG CA KINASTIGO NI DE LIMA

Muling binanatan ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga mahistrado ng Court of Appeals na bumoto para ibasura ang kasong murder  laban kay dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Ayon kay De Lima, hindi niya maaaring palagpasin ang pag-abswelto ng CA kay Reyes kaya iaapela nila ang desisyon sa Korte Suprema.

Sa tingin umano ng kalihim, tila nasapawan ang kapangyarihan ng Secretary of Justice tungkol sa mga panloob na proseso sa DoJ na hindi nauunawaan ng mga mahistrado na bumoto laban sa desisyon ng kagawaran na kasuhan sa korte si Reyes.

Bilang Secretary of Justice, mayroon umano siyang plenary authority para kontrolin ang mga proseso at proceedings sa kagawaran.

Kaya kung nakikita umano niya na posibleng mayroong “miscarriage of justice” sa isang kaso, may kapangyarihan siya na iyon ay remedyohan.

Dahil dito, sinabi ni De Lima na iniutos niya ang paglikha sa second panel of prosecutors lalo pa’t mayroong mga bagong ebidensya na idudulog ang kampo ng mga Ortega na ayaw tanggapin ng unang lupon ng mga prosecutor.

Nababahala si De Lima na kung hindi nila iaakyat ang kaso sa Korte Suprema, magkakaroon ng negatibong epekto ang desisyon ng Court of Appeals sa paggampan ng kalihim ng DoJ sa kanyang mandato.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *