Binigyang-DIIN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon na nakahanda silang tumalima sa kautusan ng Manila City Regional Trial Court matapos magpalabas ng 72-hour temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang ipinapatupad na revamp sa ahensiya.
Sa panayam kay Biazon, kanyang inirerespeto ang desisyon ng korte na aniya’y wala naman epekto sa isinusulong na pagbabago ng kawanihan sa ilalim ng kanyang liderato. Kaugnay nito, inihahanda na rin ng Department of Finance (DoF) at BoC ang kanilang magiging reply sa korte kasunod ng naging petisyon ng nasa 15 dating Customs collector na nagpasaklolo sa korte.
Iginiit ni Biazon, na ang kautusan na ipinapatupad sa ahensiya ay bahagi lamang ng reporma sa kagawaran na nais nitong isulong na naging kontrobersiyal noon sa huling SONA ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
(LEONARD BASILIO)