Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salamin na nakaharap sa main door, bad feng shui?

BAKIT ikinokonsiderang bad feng shui ang salamin na nakaharap sa main door?

Ang salamin ang tinaguriang aspirin ng feng shui. Sa wastong posisyon ng salamin, mababago ang feng shui energy flow at makabubuo ng better feng shui sa bahay o opisina.

Ang salamin na nakaharap sa main door ang isa sa dalawang big taboos sa feng shui (ang pangalawa ay ang salamin na nakaharap sa kama).

Ang dahilan kung bakit hindi inirerekomenda ang salamin na nakaharap sa main door ay dahil itutulak ng salamin palayo ang lahat ng good feng shui energy na papasok sa bahay.

Sa feng shui, ikinokonsiderang sinasagap ng bahay ang enerhiya (Chi) sa pamamagitan ng main door katulad ng katawan ng tao na tinatanggap ang nutrisyon sa pamamagitan ng bibig. Ito ang dahilan kung bakit ang main door ay tinaguriang “the mouth of the house” sa feng shui.

Kaya kung mayroong salamin na direktang nakaharap sa main door, ang best feng shui advice ay ang alisin ito.

Kung hindi maaaring alisin ang salamin, katulad ng built-in mirror o kung umuupa ka lamang sa lugar, o kung mayroong mirrored closet doors na nakaharap sa main door, kailangan mong mag-isip ng solusyon.

Maaaring takpan ang salamin, o pintahan ito ng washable paint. Pwede ring maglagay ng malaking halaman sa harap ng salamin. O magsabit ng suitable size piece ng art sa harap ng salamin.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …