MARAMING Filipino na nagtatrabaho sa Amerika ang apektado sa pag-shutdown ng mga ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga apektado ay ang mga Filipino na nagtatrabaho sa pamahalaan ng Amerika.
Gayonman, walang masyadong epekto ang pag-shutdown ng ilang ahensya ng pamahalaan sa mga pribadong sektor dahil hindi ito kasama sa mga pinopondohan ng gobyerno.
Una rito, kamakalawa, iniutos ng White House sa mga ahensya ng pamahalaan na simulan na ang pagsarado sa kanilang mga tanggapan matapos mabigo ang Kamara at Senado na makahanap ng compromise hinggil sa pagpasa ng panukalang magbibigay ng pondo sa pamahalaan.