Friday , January 10 2025

Magbakasyon muna kayo

TALAGA yatang walang kahihinatanang mahusay ang politika sa ating bayan kung ang pagbabatayan ay ang mga pahayag ng mga nasa poder katulad ng pangulo ng senado na si Senador Franklin Drilon. Ayon sa kanya ipagpapatuloy niya ang kanyang pamumuno sa senado dahil wala naman siyang kasalanan kahit lumutang ang kanyang pangalan sa usapin ng pork barrel scam.

“That I admitted receiving P100 million in DAP (Disbursement Acceleration Program) funds was not like I admitted committing a crime. On the contrary, I was only doing my role in helping prime the economy that was needed at that time,” pagdidiin pa niya.

Ginawa ni Drilon ang pagpapahayag matapos hilingin ng aktor na si Robin Padilla ang kanyang pagbaba bilang pangulo ng senado nang mabunyag ang pagtanggap niya ng P100 milyong Disbursement Acceleration Program mula sa Malacañang matapos ang impeachment ni dating Punong Mahistrado Renato Corona. Isa si Drilon sa bumoto na palayasin si Corona sa mataas hukuman, isang kilos na suportado ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Bigla tuloy akong nainggit ako sa mga Hapones dahil ang kanilang mga pinuno ay hindi lamang nagbibitiw sa tungkulin, sila ay naghaharakiri o nagpapakamatay kapag nasangkot sa mga eskandalo. Sa pagkakataong ito at sa konteksto ng ating kultura ay hindi naman natin hinihingi na magpakamatay si Drilon. Ang gusto lamang natin ay ang kanyang pagbabakasyon upang masusing maimbestigahan ang isyung bumabalot sa kanya ngayon.

Dapat din maging malinaw na ang kahilingan natin na magbakasyon ay hindi lamang para kay Drilon kundi sa lahat ng mga napangalanang pul-politiko’t pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan kaugnay sa eskandalong gumugulantang sa ating lahat.

Hindi dapat ikawing ang pagbabakasyon sa pagkakaroon ng kasalanan. Ang pagbabakasyon ang tamang gawin ng mga taong isinasangkot sa isyu ng pork barrel kung sila ay talagang may pagpipitagan sa taong bayan. Malinaw sa atin at sa mga mamamayan na ang isang indibidwal ay inosente hangga’t hindi napapatunayang may sala.

* * *

May nagsabi sa atin na hindi puwedeng magbakasyon ang mga pul-politikong isinasangkot sa pork barrel scam kasama na si Senador Drilon dahil titigil ang kongreso. Dangan kasi halos lahat daw ng mga pul-politiko ay nakinabang sa pork barrel.

Baka matulad tayo sa United States na nagkaroon ng shut down. Ang kaibahan nga lang, ang shut down natin ay hindi dahil sa kawalan ng pondo kundi dahil sa pagkakasangkot ng mga nasa poder sa eskandalo.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon. -30-

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *