Friday , January 10 2025

Jueteng ni Tony Bulok Santos largado sa Kyusi at CAMANAVA (PNP-One strike policy nganga!?)

00 Bulabugin JSY
OY buhay na buhay pa pala!

Sa tagal ko nang nagbabasa ng D’YARYO at nagkoKOLUM sa diyaryo, ‘e lagi kong nababasa ang pangalan nitong si TONY BULOK SANTOS aka TS.

‘Yun bang TAGAL ng panahon na tipong kung ang pulis ay patrolman pa lang noon ngayon ay KERNEL na siya  at bukas makalawa ‘e magiging GENERAL na siya.

Ibig natin sabihin, ganyan na katagal ang operasyon ng JUETENG ni TONY BULOK.

Palipat-lipat lang mula Rizal, CAMANAVA at KYUSI.

Sa kasalukuyan ay NAMAMAYAGPAG pa rin ang jueteng ni TONY BULOK lalo na d’yan sa QUEZON CITY at CAMANAVA area.

Ang operasyon ng JUETENG ni Tony Bulok Santos sa CAMANAVA ay pinamamahalaan ng isang alyas KAPITAN SERWIN ANDRADA katuwang ang isang DYO-DYO SANTA, alyas KAPITAN GALGANHA at protektado ng mga ex-parak na sina KULANDING at KRIS.

Sa Quezon City area naman ay sina TEPANG, PINING at BABY. Si NESTOR sa NOVA at si MANDO KALBO naman  sa UP.

FYI, hindi bumababa sa P2.5M kada araw ang kobransa sa dalawang siyudad ng 137 operation ni Tony Bulok.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na ‘yung anak ni Boy Tangkad ang pagador ng media payola. Tiyak maraming kolumnista ang bukol sa tarantadong ito!

Aba, NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo, Jr., Sir, akala ko ba ‘e meron kayong ONE-STRIKE POLICY laban sa mga ilegalistang 1602?!

‘E bakit mukhang WALA-WALA lang kay GEN. RICHARD ALBANO ng Quezon City Police District (QCPD)?

Panay ang PAPOGI at pa-PRESS RELEASE ninyo GENERAL ALBANO na pirming TUMBA ng mga holdaper at snatcher sa area of responsibility (AOR) mo pero BUHAY na BUHAY naman ang JUETENG ni TONY BULOK SANTOS.

‘E ang CAMANAVA area, lubog sa baha ang Malabon, Navotas at Valenzuela pero tuloy lang ang operasyon ng JUETENG ni TONY BULOK SANTOS.

PNP chief GEN. ALAN PURISIMA Sir, mukhang ‘MALAMBOT’ ang TENG-WE one-strike policy mo?

Plantsado na ba lahat, Sir?

DENNIS BIR ‘PUMARADA’ NA NAMAN SA SABUNGAN (ATTN: DOF-RIPS)

WALA ba talagang ‘TAKOT’ ang empleyado ng Bureau of Internal Revenues (BIR) na si alyas DENNIS BIR-SM, na nakatalaga sa isang opisina sa Metro Manila.

Sa mga hindi nakasubaybay sa ‘kwento’ ni alyas Dennis BIR, siya po ‘yung BI employee na kung pumarada at pumusta sa iba’t ibang sabungan sa lalawigan ng Rizal ay MILYON-MILYONES.

Pero hindi ‘NATITINAG’ ang LEKAT!

Mayroon daw kasing ipinagmamalaki ang kamoteng ito na isang deputy commissioner ng BIR.

Madalas na kasa-kasama ngayon ni Dennis BIR ang isang ex-PBA cager na noong una ay inaakala natin na kanyang BODYGUARD.

Kamakalawa nga lang ng gabi ay ‘PUMARADA’ na naman si Dennis BIR sa Angono.

Gaya nang dati ‘MALAKIHAN’ na naman ang pusta ni DENNIS BIR SM.

Ngayon naman. Ang kanyang prente kung bakit niya isinasama ang ex-PBA cager ay para sabihin na ang talagang nagsasabong ay ‘yung ‘BASKETBOLISTA’ at alalay lang siya.

By the way, gusto pala nating ‘BALAAN’ ang mga naglalaro d’yan sa mga SABUNGAN na pinaparadahan ni alias Dennis BIR.

Kaiingat po kayo kasi, ang balita ko napaPRANING na raw ‘yang si DENNIS BIR.

Lahat na lang ng tao na makasalubong niya sa sabungan ay pinagbibintangan na siyang nagti-TIP sa Bulabugin.

Aba, NAPRA-PRANING ka rin pala …

‘E sa lakas mong PUMARADA at PUMUSTA sa mga sabungang ‘DINARAYO’ mo ‘e nakapagtataka pa ba kung ‘SUMIKAT’ ang pangalan mo, ogag?!

Kaya nga nagtataka nga ako dahil sa kabantaran ng pagiging ‘MILYONARYONG SABUNGERO’ mo ‘e, bukod tanging sina Finance Secretary Cesar Purisima at BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na lang ang hindi nakaaalam.

Tsk tsk tsk …

Si BIR Deputy Commissioner ASPE, wala rin kaya siyang alam sa mga aktibidades mo?!

Aba’y napakahina naman ng INTEL ng BIR!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *