Monday , April 28 2025

Gomez nananalasa (Battle of the GM )

KINALDAG ni Grandmaster John Paul Gomez  si International Master Richilieu Salcedo III matapos ang 30 moves ng French defense tangan ang itim na piyesa nitong Martes ng gabi para mapanatili ang solo liderato sa pagpapatuloy ng 2013 Battle of the Grandmaster Chess Championships sa Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila.

Napataas ni Gomez ang kanyang kartada sa 12.0 points matapos ang apat na laro.

Si Salcedo, top player ng multi-titlist Far Eastern University ay nagkaroon  ng blunder sa 18th move matapos niyang ilagay ang kanyang knight sa d2 square na nagbigay daan kay Gomez na maisulong ang pawn sa g5 square kung saan ay inaatake ang Dark Bishop ni Salcedo na nasa f4 square.

Kinakailangan ni Salcedo na ibigay ng libre ang kanyang Dark Bishop bunga ng maling sulong o kung hindi ay wala nang matatakbuhan ang kanyang Queen na nasa b5 square.

Tabla si 12-time national open champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. kontra kay Asia’s First GM Eugene Torre matapos ang 31 moves ng Ruy Lopez Opening  sa  fourth  round tungo sa nine points mula sa  two wins at  two draws.

Matapos ang third round setback kay GM Antonio nitong Lunes, namayani si International Master Joel Pimentel kontra kay National Master Narquinden Reyes sa 28 moves ng Benko Gamit defense para mapaganda ang kartada sa 7.5 points mula sa two wins, one draw at one loss, kaparehas ng naitala ni International Master Emmanuel Senador na ginulat si defending champion GM Mark Paragua sa 28 moves ng Sicilian defense.

Panalo din si US-based GM Rogelio “Banjo” Barcenilla kontra kay Fide Master Roderick Nava sa 57 moves ng English Opening para manatili sa kontensiyon na may  7.5 points mula sa win at three draws.

Naikamada naman ni GM Oliver Barbosa ang ika-4 na sunod na tabla kontra kay GM Darwin Laylo sa 31 moves ng King’s Indian attack  tungo sa  six points.

May six points din si GM Richard Bitoon na panalo kay FM Jony Habla sa 24 moves ng Caro-Kann defense. Hawak ng Medellin, Cebu ace Bitoon ang two wins at two loses.

Ang torneong ito ay inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Si NCFP  executive director  GM  Jayson  Gonzales  ang   tournament director, habang si IA  Gene Poliarco ang chief arbiter.

(Lovely Icao)

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *