INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na mahihirapan ang kanyang koponan na sumabay sa oposisyon sa FIBA World Cup sa Espanya sa susunod na taon kung hindi nito pagbubutihin ang depensa at ang tira nila mula sa labas.
Kagagaling lang ni Reyes mula sa kanyang biyahe sa Slovenia, Ivory Coast at Venezuela kung saan nag-scout siya sa mga qualifying tournaments ng FIBA.
“It will be difficult for us to win in the World Cup. The other countries are playing at a very, very high level because they’ve been playing at that level for years, eh tayo first time at this (World Cup) level so my concern now is to find ways to play these teams.”
Idinagdag ni Reyes na bilis ang magiging malaking sandata ng Gilas sa World Cup.
“Iyun (speed) lang ang bagay, that’s the only thing we have,” ani Reyes.
Makikipag-usap si Reyes kay PBA commissioner Chito Salud tungkol sa paghahanda ng liga para sa World Cup.
Payag si Salud na baguhin ang kalendaryo ng PBA sa susunod na season para makatulong ang Gilas sa kanilang paghahanda. (James Ty III)