Thursday , November 14 2024

Biazon – collectors war Umabot na sa korte

UMABOT na nitong nakaraang linggo ang labanan nina Commissioner Biazon at ng kanyang 27 port collectors na may kinalaman sa pagtatapon sa kanila sa Department of Justice na ang trabaho kuno ay “research.” Ito ay ituring na isang uri ng punishment kahit gustong palabasin ni Biazon na part of the ongoing major reform sa Bureau.

But in fairness kay Biazon, lumabas na ang mass grounding ng 27 collectors, tatlo sa kanila ay malakas kuno sa kanilang mga padrinong politician, mismo part of the reform program of the Aquino government na ipinalabas ni Secretary Purisima.

Pero humingi pala ang nasabing mga collector ng TRO (temporary restraining order) sa Manila Trial Court at sila ay pinagbigyan pero sa loob lang ng 72 hours. Kaya dapat panindigan nila sa korte na may abusong naganap sa paglilipat sa kanila.

Samantala, natutuwa naman ang karamihan ng stakeholder/port user sa mga changes sa customs. Bakit?

Unang-una, iniutos na sibakin ang mga tinatawag na “ask forces” (extort group) na saksakan ng dami. Alam naman natin ang kalakaran dito, kapag hindi nabigyan ang isa delubyo ang aabutin ng isang negosyante.

Itong TRO magbabakbakan ang Bureau at taga-solicitor general’s office at mga collector. Kung magiging meritorious ang petition ng mga collector, may tsansa sila na mahabaan iyong 72 hours na TRO. Abangan natin ang resulta ng argument sa korte.

Itong pag-ground sa DOJ ng mga senior collector at ang mga collector V ay covered ng Executive Order 140 na inilabas ni

PNoy. Samakatuwid may basis si Purisima. Ang isyu rito ay nagkaroon ba ng abuse sa pagpapatupad ng EO 140.

Kung makabalik man sa kanilang district or port ang 27 collectors, s’yempre may lamat na ang relasyon nila at ni Biazon. Wala naman nagiging balakid sa pagsibak sa anim na deputy commissioner. Unang-una, sila lahat ay mga presidential appointee. Iyong mga may CESO (career executive service officer) eligibility pwede naman ilipat sila sa ibang ahensya. Pero papayag ba sila? Kunsabagay tuloy-tuloy ang operation sa mga puerto kung saan dating nakadestino ang 27 collector. After all, sabi ng mga trader ang mga replacement at beterano rin tulad nila, mga competent, at knowledgeable.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *