Thursday , December 26 2024

Aga, game master na rin bukod sa pagiging explorer

TILA sobrang nag-eenjoy ngayon sa kanyang career si Aga Muhlach kaya masasabing blessings pa rin ang hindi niya pagkapanalo sa katatapos na eleksiyon na tumakbo siyang kongresista sa Camarines Sur. Blessings dahil patuloy na matutunghayan ng kanyang tagahanga ang kanyang show sa TV5, ang Pinoy Explorer na lalong pinabongga.

Kahit naman si Aga ay aminadong masuwerte siya sa Pinoy Explorer dahil marami siyang lugar na napupuntahan. Hindi lang naman kasi ang magagandang lugar ang hahangaan sa programang ito bagkus kapupulutan din ng aral ng mga bata at matatanda.

Sa kanyang show, matutunghayan ang bonggang paglalakbay ni Aga sa isa sa mga pinakasikat na siyudad sa buong mundo, ang New York City. Kasama niyang namasyal doon sina Derek Ramsay at Sharon Cuneta at sa ‘di inaasahang pagkakataon ay doon pa sila nagkita ni Lea Salonga kaya naman nakasama niya rin ito sa pamamasyal sa Big Apple.

Pero bago ang NY, samahan muna si Aga ngayong Linggo, Oktubre 6, sa 2-part Romblon adventure niya with volleyball sweetheart Gretchen Ho at women’s football player Natasha Alquiros. Sa Romblon, ipakikita nila ang tinaguriang Romblon Triangle, ito ‘yung sinasabing misteryosong bahagi ng karagatan sa Romblon na naganap ang ilan sa pinakamalaking maritime tragedy sa bansa.  Bukod ditto, magbabahagi rin sina Gretchen at Natasha ng kanilang kaalaman sa sports sa mga batang estudyante ng Cawayan Elementary School. Mayroon din silang extreme adventures sa Tablas Fun Resort at ang pagsisid nila sa Blue Hole ng Romblon.

Ani Aga, ang mga susunod niyang episode sa Pinoy Explorer ay magpapakita sa mas marami pang magagandang lugar sa Pilipinas, ‘yung hindi mo aakalain na sa Pilipinas pala ‘yun. Ito ‘yung mga undiscovered wonders sa ‘Pinas.

Sa kabilang banda, bukod pala sa Pinoy Explorer, magkakaroon pa ng isang show ang actor sa TV5, ito ‘yung Let’s Ask Pilipinas na magsisimula naman sa Oktubre 14. Kaya pala ganoon na lamang ang kasiyahan ng actor dahil hindi lang isa kundi dalawa ang kanyang show sa Kapatid Network at posible pang madagdagan pa. ”I’m just happy, happy to be back,” anito sa isinagawang presscon kamakailan.

So, magiging game master na rin si Aga. Ang Let’s Ask Pilipinas ay isang interactive show na ang mga contestant ay mag-a-appear sa pamamagitan ng skype. ”Ang maganda rito, they don’t even have to dress up and come to the studio. They can stay at home and just do skype on their computers while in various places in Luzon, Visayas or Mindanao. All those who want to join will be required to register first with us.”

Ayon kay Aga, noong unang inialok sa kanya ang naturang show, medyo nagdalawang-isip pa siya dahil, ”It’s out of my comfort zone. I’m 44 years old, takot na akong sumubok ng ibang bagay. But then, naisip ko, why not?”

Idinagdag pa nitong, hindi tungkol sa kanya ang bagong show kundi tungkol sa mga contestant. ”The new show is not about me, it’s all about the contestant kung paano ko pasisiyahin ang viewers. The preparation? I don’t know I just think, bahala na.”

Sa kabilang banda, nagbiro rin ito na gusto rin niyang magkaroon ng afternoon show na tila mala-Wowowillie, Eat Bulaga o It’s Showtime kaya naman nasabi ng ilang press na naroon na kung ang show ba niya ang ipapalit sa timeslot ni Willie Revillame. Hindi raw iyon ipapalit, pero sa pagbibiro nitong gusto niya ng variety show nagbiro rin naman siMs. Wilma Galvante (TV5 COO for Entertainment) na kung gusto nga niya ay posible siyang mabigyan ng ganoong klase ng show.

Pero bago madagdagan pa ng maraming trabaho si Aga sa TV5, kailangan muna niyang magpapayat. Ipinagmalaki niya na sa nabawasan na siya ng 20 lbs. ”I’ve lost 20 lbs. na and I’m on my way to losing 20 more,”giit nito.

Sinabi pa ni Aga na, ”In ‘Pinoy Explorer’, I open myself up to the people I meet in various places. Dati, very shy ako, set and shooting lang ang mundo ko. Now, I’m discovering an entire new world and this started when I campaigned sa Bicol. Everyone said, ‘di ka mananalo riyan, sobrang yaman ng kalaban mo, dadayain ka, but whatever happened, I’ve moved on and don’t regret it as I learned so much from the experience. I’m just grateful to TV5 dahil now, I’m also hosting a game show and it’s really a lot of fun. ‘Yung game itself, masaya na mismo at makatutulong pa ako sa contestants na mananalo.”

Ukol naman sa paggawa niya ng pelikula, sinabi ni Aga na naghahanap pa siya ng tamang material, ‘yung hindi pa raw niya nagagawa dahil halos lahat daw yata ng klase ng love story ay nagawa na niya. Gusto rin niyang subukang gumawa ang indie film dahil, ”May freedom sila to do what they want. So I also want to try that, pero something na may kabuluhan.”
Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *