COTABATO CITY – Tinatayang 700 guro sa Maguindanao ang tumangging magsilbi bilang board of election inspectors sa nalalapit na barangay election sa Oktubre 28.
Isinumite na ng mga guro ang kanilang hinaing sa Commission on Elections (Comelec) sa Maguindanao at sa central office sa Maynila.
Ang mga guro na tumanggi ay mula sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, General Salipada K. Pendatun, Datu Piang at Datu Abdullah Sangki.
Sinabi ni Atty. Udtog Tago, Maguindanao provincial election supervisor, tumangging magsilbi sa eleksyon ang mga guro bunsod ng pangamba sa kanilang kaligtasan.
(HNT)