ANO ang pagkakaiba ni JANET LIM NAPOLES sa mga lumalabas at nabubuking na opisyal ng gobyerno na sandamakmak ang yaman?!
‘Yun nga, hindi siya opisyal ng gobyerno pero ang kanyang nakulimbat mula sa PERA NG GOBYERNO ay BILYON-BILYON.
Gaya nga ni alyas DENNIS BIR SM na parang hindi nauubos ang kuwarta sa pagsasabong.
At ito ngayon ang isa pa nating NABUKING, isang REGIONAL DIRECTOR ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ang yaman ay gaya kay Napoles.
Kilalanin natin siya sa tawag na alyas JODAS AMOR.
Ang PROPERTIES umano ni BIR RD alyas AMOR ay hindi maipaliwanag dahil sa LAKI at DAMI na.
Ewan natin kung paano niya ipinaliliwanag ang kanyang sandamakmak na yaman sa kanyang statement of assets and liabilities networth (SALN).
Ang info, may dalawang mansion na siya sa isang exclusive subdivision diyan sa Marcos Hi-way, Cainta, Rizal at hindi na rin mabilang ang luxury cars ni alias RD AMOR.
Commissioner KIM HANARES, Madam, baka ikaw na lang ang hindi nakaaalam na BILYONES din ang yaman ni RD alyas AMOR …
By the way Madame Kim, totoo ba na si alyas RD AMOR lang daw ang stay-put sa kanyang pwesto sa balasahan sa BIR dahil super-close daw siya kay PNOY?
Anyway, BUSI-BUSISI din sa mga immediate subordinates mo, Madam Henares, kapag may TIME.
‘Yun lang po!
OUR BUDGET SECRETARY IS (A) BAD … I MEAN (BUTCH) ABAD
HINDI siguro napapansin ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na humahaba ang kanyang ilong ‘ala Pinocchio tuwing siya’y nagsasalita habang ipinagtatanggol ang Palasyo sa sinasabing ‘panunuhol’ ng tig-P50 milyones sa mga MAMBABATAS na bumoto pabor sa IMPEACHMENT ni dating CHIEF JUSTICE RENATO CORONA.
Ipinagtatanggol ni Butch Abad na hindi raw galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang mga ‘ipinang-areglo’ sa mga mambabatas kundi sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na idinisenyo umano ng DBM para mapabilis at mapataas ang economic expansion.
Weee … hindi nga?!
Kahit ano pa itawag mo d’yan Secretary Butch Abad, ganoon pa rin ang suma no’n BRIBERY pa rin ‘yan dahil ipinamigay n’yo ‘yan mayorya sa mga bumoto para mapatalsik si ex-CJ CORONA.
O ‘di ba, maliwanag ‘yan sa mga paper trail?!
O sige ganito na lang, isa-isahin mo nga kung sino-sino ang mga binigyan ninyo?!
‘Yung sa totoo lang ha …masyado na kasing humahaba ang ilong mo Secretary Abad!
HONEST LANG SI LAGUNA GOVERNOR ER EJERCITO?!
DAHIL sa ipinasang mga DOKUMENTO (election expenditures) sa Commission on elections (Comelec) na-SWAK si Laguna Gov. ER Ejercito.
Nakaamba ngayon ang disqualification sa kanya dahil sa LABIS na PAGGASTA nitong nakaraang May 13 (2013) elections.
Pero pakonswelo (de bobo) ni Kumolek ‘este’ Comelec Chairman SixTONG ‘este’ Sixto Brillantes, Jr., pwede pa naman daw siya maghain ng motion for reconsideration (MR).
Anyway, bukod sa opisyal na ulat na P2,968,600 ang personal fund na nagasta niya nitong nakaraang eleksiyon, mayroon pang dokumento (advertising contract) sa ABS CBN pa lang na gumastos si Gov. ER ng P6 milyones.
Pero sa batas, si Gov. ER ay pinapayagan lamang gumastos ng P3 kada isang botante o P4.5 milyon para sa 1,525,522 kabuuang botante sa lalawigan ng Laguna.
Tsk tsk tsk …
Paano ngayon ipaliliwanag ni Gov. ER ‘yan?!
Ang tanong lang natin sa COMELEC, si Gov. ER lang ba ang sasampolan nila?!
Paano na ‘yung iba pa na labis-labis ang ginastos?!
Huwag mo nang gawing INSTALLMENT ulit ang announcement mo Chairman, baka matsismis na naman kayong nagpapaareglo!?
Puruhan mo na ang dapat puruhan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com