Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, nakipag-break kay Cristine (Nabuko raw kasing nagkaroon ng relasyon sa gym instructor)

MARAMING ginulat sina Derek Ramsay at Cristine Reyes dahil kaka-monthsary lang nila noong Setyembre 28 ay biglang pumutok ang balitang hiwalay na sila noong Lunes, Setyembre 30.

Kaya magkahalong reaksiyon ang nababasa sa social media tulad ng, “sabi na nga hindi sila magtatagal kasi promo lang ng programa nila ‘yung pag-amin nilang sila na.”

May nag-post ding, “sawa na kaagad sila?”

Anyway, ang isa pang narinig naming balita ay si Derek ang nakipaghiwalay sa dalaga.

Tinatawagan namin si Cristine pero nagpalit na pala siya ng numero at si Derek naman ay, “hi Reg, I don’t want to say anything for now, hope you understand.”

Samantala, sinubukan naming tawagan at i-text ang manager ni Cristine na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus dahil sila ang magkasama noong gabing naghiwalay sila ni Derek.

At naka-post sa Instagram na, @queencristinereyes (drawing ng limang puso) by @veroniquecorpus, “Together Forever”.

May post din si Cristine kasama ang non-showbiz friend ng, “after a while, you just want to be with the one that makes you laugh. Prep to high school…motherhood and career woman till death do us part, friendship is true love, we don’t give up, she fall, I laugh, I fall ‘coz she pushed me.

Kasalukuyang nagsu-shooting ng pelikulang When The Love Is Gone si Cristine kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito base na rin sa post niyang kasama si Gabby Concepcion at direk Andoy Ranay.

Tinext naman kami ng aming source na bumili raw kami ng Cosmo Bachelors Magazine dahil isa sa top 69 bachelors ang mixed martial arts gym instructor na naging boyfriend ni Cristine na taga-Paranaque City na ipinalit ng dalaga kay Rayver Cruz.

“Ateng, ‘yan ‘yung gym instructor na ex jowa ni AA, hindi lang niya inaamin kay Derek,” sabi sa amin ng aming source.

Tanda namin ay ilang beses na namin itong isinulat, pero ilang beses din itong itinatanggi sa amin ng aktres maski na ibinigay na namin ang detalye ng guy na may dalawang anak sa kanyang live-in partner.

At nang makatsikahan din namin dati si Derek sa Undercover presscon ay ikinuwento namin ang tungkol sa gym instructor, pero ipinagtanggol ng aktor si Cristine dahil alam niya lahat ang nangyayari sa aktres.

Kaya sa presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin noong Agosto 28 ay muli naming sinabi kay Cristine ang tungkol sa gym instructor at sinabi niyang, “hindi ‘yun, iba ‘yung sinasabi mo, kaibigan ng instructor ‘yung tsine-tseber ko.”

Hanggang sa natanong namin si Derek sa kanya at dito na siya nagsabing hindi pa nga niya masagot kasi nga pagkatapos ng presscon pa sila naging officially on.

At ngayong hiwalay na sila, “nabuking kasi ni Derek na totoo pala ‘yung sa gym instructor na idine-deny lang ni AA,” pagtatapat sa amin.

Kuwento pa ng aming source, “noong time na naghiwalay sila ni (pangalan ng instructor) kasi bumalik na sa mag-iina niya, ito na ‘yung time na si Derek na ang sinagot ni AA. ’Yung instructor ang nakipaghiwalay kay AA, hindi si AA.”

Sa nasabing Cosmo Bachelors magazine ay inilabas daw ito few days bago ginanap ang Cosmo Bash party at base raw sa nakasulat sa guy (instructor), ‘seduction stragety- I’ll invite her to the gym and show her my mixed martial arts skill. Challenge him because: women who don’t play hard to get are easy to get and easy to forget.”

Hmm, sino kaya ang pinariringgan ng guy, Ateng Maricris?

(Bukas ang aming column para sa panig nina Cristine at Derek.)
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …