SA nakaraang presscon ng Showbiz Police ay natanong si Congresswoman Lucy Torres-Gomez tungkol sa pinag-uusapang isyung FDAP o Pork Barrel scam at kung ano ang stand niya rito lalo na ngayon na kasama siya sa pinagde-debatehang budget sa taong 2014.
“Ang stand ko sa PDAF oo, ano talaga, naabuso siya. And I believe na dapat talagang imbestigahan. Dapat talaga accountable.
“As public servant, you’re accountable. Pero, on the issue whether i-abolish ba or not, ang personal stand ko is, sana, huwag ma-abolish.
“Ang PDAF is a way for us representatives to address the needs of our constituents on a level na hindi kaya ng gobyerno.
“Ang PDAF, ginagamit namin sa hospital, for scholarship. Kung mayroong nangangailangan ng scholarship or medical assistance, hindi naman siya puwedeng dumayo rito sa Malacañang at sabihang ‘Tulungan mo ‘ko.’
“’Yun ang role ng representative at ‘yun talaga ang function ng PDAF.
“Now, has it been abused? Yes, it’s been abused. Obvious naman, eh.
“Obvious naman na may kakulangan talaga. Obvious din na may lapse ang C.O.A. (Commission on Audit).
“Kasi, bakit umabot nang ganito kalaki na hindi na-check? So, dapat talaga, makorek ‘yun.
“Pero, kung tatanungin niyo ang ano ko, parang stand ko—kunwari kotse, mayroong mga barumbadong driver, hindi ibig sabihin na ban na lahat ng kotse, ‘di ba?
“So, we are in a process na nililinis ‘yung sistema.
“At mayroon tayong Presidente na gustong maayos ang proseso and, for now, he has decided na i-abolish ang PDAF. So, siguro naman, para umabot siya sa desisyon na ‘yan, napag-isipan ‘yun.
“Hindi ‘yun desisyon na sinabi lang, ‘Para mawala na ang gulo, i-abolish natin.’ I’m sure the President has thought about it, and decided na it’s the best thing to do.
“As his party mate and as somebody who really believes in the President, susunod tayo kung ano ang utos ng Pangulo,”paliwanag ng kongresista.
Tinanong din ang Showbiz Police host kung ano naman ang pagkakakilala niya kay Senator Jinggoy Estrada?
At nabanggit nga ni Lucy na mabait at mabuting tao raw si Senator Jinggoy dahil nahingan daw niya ito ng tulong sa pagpapatayo ng limang silid paaralan para sa eskuwelahan sa Leyte na hindi raw nanghingi ng anumang kapalit.
Samantala, hindi raw nakita ni Lucy ang privilege speech ni Senator Jinggoy, “we have our own iba-iba kasi ang interpretasyon ng tao. Hindi ko rin nakita ang kabuuan ng privilege speech niya, because budget deliberation kasi kami sa Congress.
“It’s hard to give a comment kapag hindi mo nakita. Kasi, iba ang opinyon mo. Iba rin ang opinyon ng mga nakakita.
“But I stand with what I said. Sa pagkakilala ko kay Senator Jinggoy, maayos siya na tao,” say ni Mrs. Richard Gomez.
Samantala, ano ang mas gusto na ni Lucy, maging talk show host o politician?
“They’re all different. I can’t compare my work in show business with my work in politics.
“Because my work in show business, it involves a lot of time also. And in showbiz, parang, I’m only accountable to myself, ‘di ba?
“But in politics, I really take it very seriously because I’m accountable to not only the people who voted for me but also to those that didn’t vote for me,” say niya.
Nabanggit din na kapag nasa congress siya ay hindi nila pinag-uusapan ang showbiz, at kapag nasa showbiz siya ay hindi naman daw pinag-uusapan ang politika at kapag nasa bahay naman daw siya ay iba rin ang topic nilang pamilya.
“You have to balance your work, kailangan hiwalay sila,” say pa ni Lucy.
Reggee Bonoan