NANATILING may kwestyon ang pamilya Davantes hinggil sa tunay na motibo sa pagpatay sa advertising executive na si Kae Davantes.
Sinabi ni Vicente Davantes, hindi sila kombinsidong pagnanakaw o robbery lamang ang motibo dahil may pagkakaiba sa pahayag ng pangunahing suspek sa isinagawang re-enactment.
Ayon kay Davantes, may kutob silang may mas malalim na dahilan at maaaring may ibang nag-utos sa krimen kaya gano’n na lamang ang pagkakapaslang ng pamangkin.
Duda rin silang baguhang kriminal ang mga suspek na sina Samuel Decimo, Jr., Reggie Diel, Lloyd Benedict Enriquez, Kelvin Jorek Evangelista, Jomar Pepito at Baser Minalang base sa ginawang krimen.
Iginiit ni Davantes na dapat maimbestigahan ang lahat ng anggulo, kabilang ang boyfriend ng pamangkin para malinawan ang kanilang mga katanungan.
Maingat naman ang tiyuhin ng biktima sa paglalabas ng paratang at nais lamang daw nilang huwag munang tapusin ang imbestigasyon sa krimen.