Thursday , November 14 2024

Seguridad ng mga Pinoy, prayoridad sa PH-US talk

MARAMING nag-alalang Pinoy – sabi ng mga militanteng komokontra ngayon sa ginagawang pakikipag-usap ng gobyernong Pinas sa Estados Unidos hinggil sa planong pagdaragdag ng bilang ng Amerikano sa bansa.

Nag-alala? Ano’ng inaalala nila? Ang baka ‘matalo’ ang ‘Pinas sa plano at ang US ang masusunod kung saan malalagay sa peligro ang bawat Pinoy sa kuko ni Uncle Sam? Hindi naman siguro.

Pero ano pa man ay tiniyak nina Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Carlos Sorreta at Spokesperson Raul Hernandez na protektado ang interes ng estado at mamamayan sa negosasyon ng Maynila at Washington tungkol sa pagdaragdag ng bilang ng mga tropang Amerikano sa bansa.

Ipinanangako ng dalawa na hindi rin mamadaliin ang fourth round of talks na magaganap sa Oktubre 1 at 2 sa Maynila para lamang itaon sa pagbisita ni US President Barack Obama sa Oktubre 11 at 12 matapos magtagumpay ang third round of talks sa Washington kamakailan.

“Walang deadline kapag nakasalalay na ang kapakanan ng bansa at mamamayang Filipino,” ani Sorreta. “Nasa kalahatian pa lang ng pag-uusap ang matagal nang magkaalyadong Filipinas at Amerika at parehong nakikinig at napakasinop ng dalawang panig pagdating sa mga detalye ng kanilang binubuong framework agreement.”

Idinagdag pa ni Soretta na hindi rekisito sa pagdating ni Obama ang pagpirma sa kasunduan at wala rin direktiba mula kay Pangulong Noynoy Aquino na bigyan agad ng konklusyon ang negosasyon.

Kapag ipinatupad na ang kasunduan, magbibigay-daan ito para sa pagbisita sa bansa ng mas maraming US troops na magkakaroon ng mas madalas na joint military excercises kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasama rito ang pagkakaroon ng access ng mga puwersang Amerikano sa mga estratehikong lugar at dati nilang base-militar at maaari rin silang magtayo ng mga estruktura at pasilidad na kanila rin naman iiwan kapag nawalan na ng bisa ang kasunduan.

Ayon sa mga eksperto sa foreign relations at diplomacy, kailangan na uli ng US na ipadama ang presensya nito sa South East Asia at Asia Pacific na napabayaan dahil sa pagtutok sa mga giyera sa Iraq at Afghanistan.

Napapanahon naman para sa bansa ang pagpapatupad sa mga nilalaman ng kasunduan dahil mapapabilis ang modernisasyon ng AFP at pambara rin sa ano mang gagawin pang agresyon ng China sa West  Philippine Sea na malinaw sa kasaysayan at pandaigdigang batas na teritoryo ng Filipinas.

Oo napapanahon lamang ang tulong ng US. Bakit? Kita naman natin pano na tinatarantado ng bansang China ang Our Beloved Philippines.

Napaulat kamakailan at nakuhanan ng retrato na magtatayo ng kanilang structure o ano man ang tawag dito, ang bansang China sa West Philippine Sea partikular na sa Panatag shoal (Scarborough). Pero sa kabila nito ay tameme ang bansa. Paano kasi, hindi natin kayang sabayan ang lakas ng China. Kulangot lang tayo sa kanila kung ikokompara ang mga kagamitan pang-giyera.

Hindi ko naman sinasabing kailangan ng isang giyera para sa Panatag Shoal kundi napapanahon na para bumalik ang US bases sa bansa. Oo, simula kasi nang mawala ito sa ‘Pinas ay tinatarantado na tayo ng mga dayuhan lalo na ang China.

Kaya kung makababalik na ang US sa ‘Pinas, malamang na malaking tulong ito sa bansa o sa bawat Pinoy.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *