Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, posibleng kunin ng Dos (Pero dedepende pa raw sa feedback ng tao at ratings)

BUKOD pala sa Gandang Gabi Vice guesting ni Richard Gutierrez ay inalok din ang aktor na mag-guest sa Maalaala Mo Kaya, pero magalang daw tumanggi ang binata.

“Inalok siya (Richard) kung puwedeng mag-guest sa ‘MMK’ tutal nasa ‘GGV’ na rin lang, bakit hindi pa lubusin, eh, tumanggi lolo mo, mas gusto raw muna niyang magpahinga,” kuwento ng taga-Dos sa amin.

Ito rin ang binanggit sa amin ng taga-TV5 na inalok din daw nila ang aktor for guesting, pero tumanggi rin dahil gusto niyang i-enjoy muna ang bakasyon niya.

“Pinagbigyan lang daw niya si Mon (Raymond Gutierrez),” katwiran sa amin.

Going back to ABS-CBN ay wala namang offer na kuning contract star si Richard, for guesting lang daw, “depende kasi kung ano ang feedback ng tao, tingnan natin ang ratings.”

Baka naman sa tagal ng gustong magbakasyon ni Richard, eh, makalimutan na siya ng tao?

“Type niyang makatambal si Angel (Locsin),” bulong naman sa amin ng taga-production.

Oh, well since hindi pa nag-uumpisa ang serye nina Jericho Rosales at Angel Locsin, baka posibleng idagdag si Richard, hindi nga kaya?

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …