Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ravena imbitado sa SEA Games

KINOMPIRMA ng pambato ng Ateneo Blue Eagles na si Kiefer Ravena na imbitado siya sa pambansang koponan na sasabak ni coach Jong Uichico sa men’s basketball ng Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Dating manlalaro si Ravena sa Sinag Pilipinas ni coach Norman Black na nagwagi ng gintong medalya noong 2011 sa SEA Games sa Vietnam.

Bukod kay Ravena, kasama rin sa national team sa SEAG sina Chris Newsome ng Ateneo, Terrence Romeo ng Far Eastern University, Bobby Ray Parks ng National University, Raymond Almazan ng Letran, at ang mga cadets na sina Kevin Alas, Ronald Pascual, Garvo Lanete, Jake Pascual, Matt Ganuelas at RR Garcia.

Inaasahan ding idadagdag si Marcus Douthit na naging bahagi ng Gilas Pilipinas na tumapos sa ikalawang puwesto sa FIBA Asia Championships na ginanap sa Maynila noong Agosto.

Sinabi ni Uichico na magsisimula ang ensayo ng kanyang national team sa Oktubre 14.  (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …