NASIKWAT ni Fide Master Hamed Nouri ng Pilipinas ang solong ika-2 puwesto dahil sa panalo kontra kay FM Tsang Hon Ki ng Hongkong matapos ang sixth round ng Hong Kong International Open Chess Championships 2013 Lunes sa Convocation Room, Main Building room 218, The University of Hongkong, Pok Fu Lam Road, Hongkong.
Sa panalo ni Nouri, nakakolekta siya ng 5.0 points, half point behind kay overnight solo leader top seed International Master Marcos Llaneza Vega ng Spain (5.5 points), na nakaungos kay National Master Roel Abelgas ng Pilipinas.
Napako naman si Abelgas sa 4.5 points, gaya ng naitala nina FM Deniel Causo ng Pilipinas, Li Bo ng China at Daniel Lam ng Hongkong.
Nakisalo naman sina National Master Nelson Villanueva at Woman Fide Master Marie Antoinette San Diego ng Pilipinas sa 7th position na may tig 4.0 points habang si world youngest Fide Master 7-year-old Alekhine Nouri ay mayroong 2.0 points.
(Lovely Icao)