Thursday , November 14 2024

Ang unjust memo ni CT Ad Simeon Garcia

I have chosen the way of truth; I have set my heart on your laws.—Psalm 119:30

UMAALMA ang maraming empleado’t kawani ng Manila City hall sa unjust at unfair memorandum na ipinapatupad ng tanggapan ngPersonnel Office at City Administrator’s Office.

Isang araw ka lang kasi lumiban o hindi pumasok sa trabaho ay inoobliga ka nang magsumite ng medical certificate o magpaliwa-nag ng balidong rason.

***

PAANO kung halimbawa may emergency?  kailangan mo dalawin ang isang kaanak na maysakit o ayusin ang isang papeles sa SSS o GSIS, kailangan ba ay may medical certificates sa ganitong sitwasyon?

Tinuturuan tuloy ng memo na ‘yan ang mga empleado na magsinungaling, gumawa ng mga pekeng medical certificates para lamang may maidahilan sa inyo.

***

WALA naman isinasaad sa rules ng CSC na kailangan magsumite ka agad ng medical certi-ficates kapag umabsent sa trabaho.

Teka, meron bang nagkakasakit ng isang araw lamang at kinabukasan magaling na? Aba, kahit ang isang taong may trangkaso ay inirerekomenda ng mga doktor na magpahinga sa loob ng 72 hours o higit pa.

***

SA ilalim ng CSC Section 53, Rule XVI of the Omnibus Rules Implementing Book V of Executive Order No. 292,  isinasaad na:

“Sec. 53. Application for sick leave. – All application for sick leave of absence for one full day or more shall be made on the prescribed form and shall be filed immediately upon employee’s return from such leave. Notice of absence, however, should be sent to the immediate supervisor and/or to the agency head. Application for sick leave in excess of five (5) successive days shall be accompanied by a proper medical certificate.” (Underscoring supplied)

Malinaw ‘di ba, Atty Simeon Garcia?!

***

KAYA dapat rebisahin ng City Administrator’s Office ang kanilang inilabas na memo sa mga empleado ng city hall.

Hindi makatarungan ang ganitong uri ng patakaran.  Dapat nilang malaman na ang mga empleado’t kawani ng Lungsod ay mga tao at hindi robot na sunud-sunuran sa anumang nais nila.

Naghihigpit sila nang wala sa lugar, pwe!

I-RELEASE ANG CALAMITY FUND NG BRGY 672!

KUNG meron man dapat busisiin ito ay ang milyong pondo na nasa tanggapan ng Manila Social Welfare and Development (MSWD).

Binigyan kasi ng full blanket authority kamakailan ng City Council si MSWD chief Honey Lacuna-Pangan na ipamigay at gamitin ang calamity fund sa mga barangay na siyempre kakampi at kaalyado niya.

***

‘YUN naman pala ang dahilan, kung bakit na-itsapuwera ang barangay ni Chairman Romeo Castro ng Brgy 672 sa Paco, sakop ng District V.

Matagal na kasing nakabinbin ang apela ni Chairman Castro na i-release na ang kanyang calamity fund upang makapaghandog ng tulong sa mga biktima ng nakaraang bagyo.

Ibigay dapat ang para kay Pedro, at kay Castro!

***

PERO sa gana ng inyong Lingkod, hindi da-pat pinopolitika ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong barangay ng nagdaang kalamidad.

Kesehoda kanino ka pa kaalyado, ang mahalaga ay naibigay mo ang kinakailangan ayuda na dapat mapakinabangan ng mamamayan.

Please lang, ‘wag politikahin ang cala-mity fund!

HAPPY FIESTA SA SAN MIGUEL, BULACAN!

KAPISTAHAN ng bayan ng San Miguel, Bulacan, nitong LInggo, ang bayan sinilangan ng ating Alkalde Alfredo Lim.

Napakaraming binalikan si Mayor Lim sa ba-yan ng San Miguel, mga kamag-anak na matagal na hindi napagkikita, old friends, mga dating kapitbahay.

***

SA San Miguel, Bulacan nagmula ang mga magulang ni Mayor Lim. Kinikilala ng mga taga-San Miguel si Mayor Lim bilang pinakatanyag at kapuri-puring anak ng kanilang bayan.

Dahil hanggang ngayon ay nagsisilbing sumbungan pa rin ng taong bayan si Mayor Lim. Sa kanyang official site ng facebook at twitter account, dagsa ang mga sumbong at reklamo ng krimen nagaganap umano sa Maynila.

At sana daw ay bumalik na si Dirty Harry, para malipol ang mga kriminal!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *