KINOMPIRMA ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na natapos na ang pag-imprenta sa 54 milyon ballot na gagamitin sa barangay elections.
Ayon kay Brillantes, mabilis ang naging pag-imprenta matapos alisin sa prayoridad ang Sangguniang Kabataan (SK) polls.
Magugunitang isinantabi ng komisyon ang paglalaan ng panahon at pondo sa SK preparation, matapos makalusot sa Kamara at Senado ang panukalang nagpapaliban sa halalan ng mga kabataan sa Oktubre 28, 2013.
Sinabi ni Brillantes, malaki ang kanilang natipid sa pagkansela ng paghahanda sa SK.
Ang dating nakalaan sa SK ay mapupunta ngayon sa ibang paghahanda at pagdaraos ng halalang pambarangay.
Sa kasalukuyan ay nasimulan na ang deployment ng mga balota at iba pang dokumentong gagamitin sa eleksyon.